Flashback Cathy POV Nakatitig lang ako sa kawalan. Tahimik. Walang emosyon. Hindi ko pa rin matanggap, ang nangyari sa akin. Ang lamig ng hangin. Ang sakit ng katawan ko. At ang takot, na parang nakadikit na sa buong pagkatao ko. “Hija… anong pangalan mo?” Napalingon ako. Isang matandang babae. Malambing ang boses. Maamo ang mukha. Siya ang mommy ni Kuya Greg. Isang retired doctor. Pero hindi ako sumagot. Hindi ko kaya. Parang may bumara sa lalamunan ko. Parang nawala ang boses ko. “I think it’s trauma…” mahina niyang sabi. “Kailangan niya ng psychiatric help.” Naririnig ko sila. Naiintindihan ko. Pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Para akong, buhay… pero wala. Hanggang sa, unti-unti. Dahan-dahan. nagsimula akong magsalita. Kinuwento k

