Chapter 20

1210 Words
Cathy POV Pagpasok ko sa gate ng bahay, hindi ko mapigilang ngumiti. Hinawakan ko pa ang labi ko. Hinalikan ako ni Troy… ulit. Napahagikhik ako habang naglalakad papunta sa pintuan. Pagpasok ko sa bahay, tahimik na ang sala. Mukhang tulog na ang lahat. Buti na lang. Ayoko munang makarinig ng sermon mula kay Ate o kay Daddy. Tahimik akong umakyat sa kwarto ko. Pagpasok ko, agad akong humiga sa kama at niyakap ang unan. Hindi ko alam kung bakit… pero parang ang gaan ng pakiramdam ko. Kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko ulit ang huli naming chat ni Troy. Napangiti ako. Hindi ko alam kung mahal niya ako… pero halata na gusto niya ako. Napabuntong-hininga ako. “Troy…” bulong ko. Maya-maya, tumunog ulit ang phone ko. Message from Anna. Anna: Girl!!! Napakunot ang noo ko. Cathy: Ano? Ilang segundo lang… sunod-sunod na message ang dumating. Anna: May kumakalat na tsismis sa school! Anna: Ikaw daw at si Troy nagde-date! Anna: At nakita pa daw kayo sa restaurant kanina! Nanlaki ang mata ko. “Ha?!” Napaupo ako sa kama. Kung kumalat na agad ang balita… ibig sabihin… bukas sa school, mas malala pa ang mangyayari. Halos sumabog ang phone ko sa messages ni Anna. Anna: Girl! Totoo ba?! Boyfriend mo na si Troy?! Napangiti ako habang nagta-type. Cathy: Slight… pero walang label. Ilang segundo lang… Anna: Ano?! Bakit ka pumayag?! Hindi porke pogi siya ganun na lang ha! Napatawa ako. Cathy: Gagi, magiging boyfriend ko rin ’yan balang araw. Pero siguro time ko na rin magpapayat. Matagal bago siya nag-reply. Anna: So iiwas ka na sa pagkain? Napaisip ako sandali. Cathy: Hindi… Pero tayong dalawa magpapayat. Halos isang minuto bago dumating ang reply niya. Anna: Ha? Ikaw na lang. Napatawa ako. Cathy: Bakit? Best friends tayo. Kapag ako pumayat tapos ikaw hindi… hindi na tayo twinnie. Tahimik ang chat sandali. Akala ko hindi na siya magre-reply. Pagkatapos… Anna: Sige. Napangiti ako nang malaki. Cathy: Talaga?! Anna: Oo. Pero promise mo… hindi mo ako iiwan kahit pumayat ka. Napangiti ako habang nakahiga sa kama. Cathy: Hindi mangyayari ’yon. Best friends tayo hanggang tumanda. Ilang segundo lang… Anna: Okay. Simula bukas diet na tayo. Napailing ako habang natatawa. “Good luck sa atin,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam na sa kabilang bahay… may isang tao ring hindi makatulog dahil sa akin. Si Troy. Troy POV Hindi pa rin ako makatulog. Nakahiga ako sa kama pero gising pa rin ang isip ko. Paulit-ulit kong naaalala ang nangyari kanina sa kotse. Yung tawa ni Cathy. Yung paraan ng paghawak niya sa mukha ko. At lalo na… yung halik niya. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kisame. “Damn…” Hindi ko dapat ginagawa ’to. Hindi ko dapat pinapalapit ang sarili ko sa kanya. Alam kong magiging complicated lang ang lahat. Pero kahit pilitin kong itigil… bumabalik pa rin sa isip ko ang mukha niya. Napaupo ako sa kama at kinuha ang phone ko. Hindi ko napigilang i-open ang chat namin. Huling message niya— Good night, Troy. Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko na napigilang mag-type. Troy: Gising ka pa ba? Hindi pa lumilipas ang isang minuto… nag-reply agad siya. Cathy: Oo. Napataas ang kilay ko. Troy: Akala ko matutulog ka na. Ilang segundo… Cathy: Hindi ako makatulog. Napangiti ako. Troy: Bakit? Matagal bago siya nag-reply. Pagkatapos… Cathy: Iniisip kita. Natigilan ako. Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko agad alam ang isasagot. Sa kabilang side ng screen… nakangiti si Cathy habang naghihintay ng reply. At sa unang pagkakataon… pareho kaming hindi mapakali dahil sa isa’t isa. Napabuntong-hininga ako habang hawak ang phone ko. Hayaan ko na lang muna ang sitwasyon. Tutal wala naman akong pinangako kay Cathy na magiging kami. Mukhang okay lang naman din sa kanya ang ganung setup. No strings attached. Walang pressure. Pero kahit sinasabi ko iyon sa sarili ko… hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mukha niya. Yung tawa niya. Yung pagiging carefree niya. At kung paano siya ngumiti pagkatapos niya akong halikan kanina. Napailing ako. “Delikado ka talaga, Cathy,” bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ulit ang phone ko at nag-type ng reply. Troy: Matulog ka na. May class pa tayo bukas. Ilang segundo lang… nag-reply siya. Cathy: Ikaw din. Good night ulit. Napangiti ako habang tinitingnan ang message niya. Pero bago ko patayin ang ilaw sa kwarto… isang bagay ang malinaw sa isip ko. Kahit sabihin kong walang label ang relasyon namin… hindi ko maiwasang maramdaman na… may nagsisimula nang magbago sa pagitan namin. Cathy POV Habang kumakain kami ng almusal, bigla na naman akong sinermonan ni Daddy. “Cathy,” seryoso niyang sabi, “ano itong naririnig ko na may nililigawan ka raw na lalaki?” “Po?” gulat kong sagot. Napatingin agad ako kay Ate Mika. Nakangisi siya habang umiinom ng juice. “Hindi po totoo ’yon,” mabilis kong sagot. “Cathy, anak,” sabi ng stepmother ko na may malambing na boses, “sabi ni Ate Mika mo, sa kanya raw nagkakagusto ang lalaking iyon.” Tumigil siya sandali bago ako tingnan. “Bakit mo naman inaagaw?” Alam kong plastik lang ang lambing ng stepmother ko. “Sino po ba ang tinutukoy niyo?” tanong ko. “Si Troy,” sagot ni Ate Mika na may halong pagyayabang. Napataas ang kilay ko. “Si Troy?” takang tanong ko. Hindi ko na tinuloy ang usapan. Ayoko nang palakihin pa. Napabuntong-hininga si Daddy. “Naku, tama na ’yan,” sabi niya. “Pag-aaral muna ang asikasuhin niyo.” “Isang semester na lang naman bago kayo grumaduate.” “Saka na yang mga lalaki.” Tahimik akong nagkibit-balikat. Para sa akin… wala naman talagang label ang nangyayari sa amin ni Troy. Pero hindi ko alam na sa kabilang side ng mesa… mahigpit na hawak ni Mika ang kutsara habang nakatingin sa akin. At sa isip niya, hindi pa siya tapos sa laban. Nauna nang lumabas si Ate Mika. Paglabas ko sa gate, nakita ko siyang inaalalayan ni Troy. Mahigpit ang hawak ni Troy sa bewang ng Ate ko. Hindi ko alam kung bakit… pero parang may kumurot sa dibdib ko nang makita ko iyon. Napatingin si Troy sa akin. “Natapilok kasi siya,” paliwanag niya agad. Tahimik lang akong nakatingin. Inalalayan niya si Mika hanggang makalapit sila sa amin. “Good morning po,” magalang na bati ni Troy kina Daddy at sa stepmother ko. “Naku,” sabi ng stepmother ko, “nandito ka ba para sunduin ang anak ko?” Hindi man lang niya ako tinuro kung sino. “Bahala ka na sa kanya ha. Malalate na kasi kami sa office.” “Nandito po ako para kay—” sabi ni Troy. Pero hindi siya pinatapos ng stepmother ko. “Tara na, Cathy, anak,” sabi niya habang hinihila ako. “Sakay na sa kotse.” Napatango na lang si Daddy. Wala na akong nagawa. Napatingin ako kay Troy bago ako tuluyang sumakay sa kotse. Mukhang may gusto pa siyang sabihin. Pero umandar na ang sasakyan. Naiwan sa labas si Ate Mika at si Troy. Nakita ko sa side mirror kung paano napakamot na lamang si Troy sa ulo habang nakatingin sa kotse namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD