Cathy POV “Gusto kong magkaanak tayo agad…” sabi ni Troy. Natigilan ako. Biglang bumigat ang dibdib ko. Hindi dahil ayoko ng anak, kundi dahil… Hindi pa ako handa. “Troy…” mahina kong sabi. Napatingin siya sa akin. “Bakit, mahal ko? May problema ba?” May pag-aalala sa mga mata niya. Umiling ako. “Wala…” Huminga ako nang malalim. “Ayoko muna.” Tahimik siya sandali. “Bakit?” tanong niya. Napababa ang tingin ko. “Gusto ko muna tayo…” “Yung tayong dalawa lang.” “Gusto ko muna i-enjoy ’to…” “At saka…” napahigpit ang kamay ko, “yung career ko.” Tahimik. Hindi ko masabi ang totoo. Na natatakot akong bumalik sa dati… Na mawala ulit ang confidence ko… Napatingin ako sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihin… Saglit siyang tumahimik. Tapos— ngumiti siya. “Sabagay…” sabi

