Cathy POV Maaga pa lang, nasa isang sikat na gym na kami ni Anna. Pareho kaming naka-workout clothes, na medyo awkward sa pakiramdam. “Girl,” bulong ni Anna, “ready ka na ba?” Napatawa ako. “Hindi.” “Same,” sagot niya. Nasa labas lang kami, hinihintay si Troy. Ngayon ang unang araw namin. Ang goal? Magpapayat. Kinakabahan ako. Excited. At medyo nahihiya. Maya-maya… may pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ng gym. Bumaba si Troy. Kasama niya sina Shean at Keano. Napatingin agad sa amin si Troy. At nang makita niya ako… napangiti siya. “Good morning,” sabi niya habang lumalapit. “Morning,” sagot ko. Napatingin siya sa suot ko mula ulo hanggang paa. “Ready ka na?” Napakagat ako sa labi. “Hindi pa.” Napatawa siya. “Good,” sabi niya. “Dahil hindi rin madali ’to.

