Ngayon, masasabi kong kay papa ako nagmana sa mukha pero ugali ko ay kay mommy pa rin. Tahimik kaming dalawa ni Masson sa labas kasama ni mommy habang siya ay nasa unahan at inaaway si daddy. "Fidel! Huwag mong hintayin na mag mura ako sa kakitiran ng utak mo. You stop being reasonable mula ng nalaman mong anak mo si Dainne." Nakahawak lang ako kay Masson at tahimik na nakamasid kay mommy na galit na galit. "No. Hindi ako uuwi diyan. My daughter needs me here." Ngumiwi ako nang makitang namumula na si mommy sa gitna. Hindi ko alam anong eksaktong pinag-uusapan nila ni Dad but it looks like pina pauwi na siya ni daddy. "Your mom is scary, wife." Bulong ni Masson. Agree ako. Ngayon ko lang nakita si mommy na magalit ng ganiyan. "You need me? Are you fvcking out of your mind? You shut

