“Why do I feel like pinagtataguan mo ‘ko?” naroon ang tampo sa boses ni Mommy habang nakatingin sa akin sa video call. Bahagya akong natawa at sumandal sa sofa. “Mom, huwag kang mag overthink. May sakit lang talaga ako.” Sabi ko kay Mommy at kumain ng mangga. “Ivory, limang buwan ka ng may sakit. Anong sakit ba ‘yan? I’m so worried here. Ni hindi ka na nga bumibisita dito.” Si mommy talaga. 8 months na rin akong buntis e. Nong tatlong buwan ko ay nakakadalaw pa si mommy sa akin but itong malaki na tiyan ko, nag e-excuse na ako. Mommy don’t know about this. Kilala ko si mom. Oras na malaman niyang nagdadalang tao ako, susugurin no’n si Masson para panindigan ako. Ayaw ko namang sirain ang plano ng asawa ko. Ewan ko na nga kung ano bang exactong plano ni Masson. Bahala na! Basta I trust h

