Nang makababa kami ay nakasimangot akong nakatingin sa kay Masson. "How dare you," nalukot ang mukha ko habang naaamoy ang mabaho niyang amoy dahil hinawakan niya kanina si David na naliligo sa putik. Kaya ang baho rin niya ngayon. "What?" Natatawang tanong niya. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko kahit na hindi ko pa rin maawat ang puso ko kakatibok dahil sa lalaking 'to. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya at hinalikan niya ako sa leeg ko kanina. Ano bang ginawa niya? Why am I so affected? Hindi tama ‘to. I didn’t feel this before. Sa kaniya lang. Nakita ko ang dahan-dahang paghakbang ng mga paa niya papalapit sa 'kin. Sinamaan ko siya nang tingin habang paatras ako ng paatras. Akala ko matatakot siya pero hindi siya nagpakita ng kahit na anong takot kahit na sina

