Ivory Nasa Vitaliano households kami ngayon. Kasama ko si Masson at ang anak namin. Hinihintay namin si Dad na bumaba. Kasama namin ang mga aktulong namin dito. Lahat sila ay masayang nakatingin sa amin ni Masson at kay Eda na ngayon ay dahan-dahang naglakad sa loob ng bahay. She’s happy at naaliw ang mga katulong sa kaniya. Mamaya pa ay bumaba si Carlo kasama ni Dainne at ang anak nila. Malayo palang sila ngunit ang kagalakan at kasiyahan na makita kami ay naroon sa mga mata nila. “M!!” Tawag niya kay Masson at nagmamadaling lumapit sa amin saka nakipagkamay sa asawa ko. “C!” Nakangiti namang bati ng asawa ko dito. Nakakatuwa ‘tong mga ‘to. Dati ay akala mo mga batang may samaan ng loob but now… “Long time no see,” ani ni Carlo at natatawa ko silang pinanood lalo’t halatang pinagti-t

