CHAPTER 27 “May nalalaman pa siyang see you later tapos malalaman ko sinundo siya ng ex niya.” “Selos ka?” “Hindi.” “Obvious Bes. Ang bagal mo kasi. Ang tagal niyong magkasama sa bahay, pati sa trabaho magkasama kayo, pero wala kang ginawa. Tapos ngayong bumalik ‘yung ex, maghihimutok ka d’yan,” sermon ni Cherry sa ‘kin. Kahapon kasi pagdating ko sa restaurant nalaman ko na wala doon si Brenda. Nang tanungin ko kay Mon, sabi nito may sumundo raw. Nang tanungin ko kung sino, pabulong na sinabi sa ‘kin ni Mon na ‘yung ex-boyfriend daw ni Brenda ang sumundo sa kanya. “Ano’ng gagawin ko? Ano’ng laban ko? Sabi ni Mon chef daw ‘yun. Foreigner. Gwapo.” “Ang laban mo, ikaw si Alex. And I can feel it, I can really, really feel it, na bet ka pa rin ni Beshy. Kasi kung hindi, sa ugali mong ‘ya

