Rachel's Holding my phone, I was browsing my gallery. Sobrang stressed na ako sa work kaya naman nagtingin-tingin na lamang ako ng mga pictures namin. Mostly, si Sophie ang laman ng phone ko, mangilan ngilan lang ang selfies namin together dahil mas gusto kong kunan ang anak ko. Meron siyang different outfits, ofcourse, hindi ko nakakalimutan ang #OOTD niya for her gram. Meron ding mga pictures na sobrang haba ng nguso niya dahil inaasar nanaman siya ni Den, nakakatawa silang dalawa sa totoo lang. I continued scrolling until I reached an abondoned part of my gallery, I should have deleted their picture— I should have. Natigil na lang ang pagmumuni muni ko nang magbukas ang pinto at niluwa si Ria. Agad ko namang tinago ang phone ko sa gulat. Tinaasan naman niya ako ng kilay bago ismiran.

