Rachel's
"Tita Eruuuh!" nagtatatakbo naman si Sophie papunta kay Ara. Nandito kami ngayon sa isang kainan na nasa tapat ng hospital kung saan nagtatrabaho si Den. She only has an hour to spare kaya kami ang nag-aadjust para sa kanya.
"Hello there, little munchkin. How are you?" sabay buhat niya kay Sophie.
"Hello, Sophie. Miss me?" agad na umiling si Sophie at nagbelat kay Den.
Natawa na lang ako. Paano ba naman, ang hilig niya kasi sabihin noon kay Sophie na may aagaw sa akin kaya ayan, ayaw sa kanya ni Sophie.
My daughter is a little possessive, I guess.
"Siguro sinasabi mo kay Sophie na wag akong pansinin noh?" bintang ni Den sa akin habang magkasalubong ang kilay.
"Matagal niya ng ayaw sayo." sagot ni Ara sa kanya.
"Sophie, tita Den loves you. Come here." umiling lang si Sophie at nagtago sa leeg ni Ara.
"Wag mo na ipilit. Pangit ka kasi kaya ayaw niya sayo." dagdag ni Ara at sinabunutan naman siya ni Den. Talaga itong dalawa hindi na nagbago.
Niyaya ko na silang maupo para makaorder na din kami. Pilit na kinukuha ni Den si Sophie kay Ara kaya hayan, nag-away na sila ni Sophie.
"Baby, that's bad. Don't hurt tita Den." pinapalo niya na kasi si Den.
"Bati na tayo please." nagpout naman si Den pero umiling lang si Sophie kaya umakto naman itong umiiyak. Hindi naman na din natiis ni Sophie ang nagkukunwaring si Den kaya nagyakapan na sila. Best actress talaga. "Love you, bibi." sambit ni Den.
Bigla namang may tumawag at nakita kong si Mika iyon kaya sinagot ko na din ito agad. "Hello Mika?" bungad ko.
"Uhm, san kayo ni Sophie? Mamaya pa kasi si Gretch. Hindi ako sanay kumain mag-isa." wika niya. Sinagot ko naman ang tanong niya kaya napatingin si Den sa akin with matching mapang-asar looks. "Sakto, malapit lang ako dyan. I'll be there in a bit." then she ended the call.
Napalunok na lang ako ng laway dahil ang laki ng ngiti ni Den. Ang creepy na tingnan tapos sabayan pa na lalo pang lumalaki ang ngiti niya. "So she's coming?" tanong niya at umismid.
"Yes." napainom naman ako bigla ng tubig.
"Ayieeee." panunukso niya.
Wala pang 10 minutes ay dumating na rin naman si Mika. She's wearing a plain white shirt, black ripped jeans and a white converse.
Damn.
I know I've said before na she's hot; my goodness, this girl is a real hottie.
Wait, what?
"Chel, laway mo tulo na." singit ni Den, agad naman akong nagpunas ng labi kaya tumawa siya.
"Walang hiya ka." sabay bato ko ng tissue sa kanya. Naisahan niya ako dun ah!
"Captain lollipop!" sigaw ni Sophie at nagpababa kay Den saka tumakbo papunta kay Mika.
"Hello, little girl." sabay buhat niya kay Sophie at pinisil ang pisngi nito.
"Bagay naman pala." sabi ni Ara at ngumisi.
"Tigilan niyo ako ha." napainom ako muli ng tubig. It's not hot, I'm not parched either but I'm not comfortable.
Tumabi naman sa akin si Mika, naramdaman ko ang pagsipa ni Den sa akin.
Walang hiya! Kinikilig ba siya?!
"Hi, I'm Dennise." pagpapakilala niya sa sarili niya kay Mika.
Ngumiti naman ang kanyang kausap "Mika." pakilala naman din nito saka sila nagshake hands.
"Ara, this little doctor's girlfriend." pagpapakilala naman ni Ara sa sarili niya.
"So, kain na tayo?" tanong namin ni Mika.
"Nag-order na ako for you." tumango lang si Mika at nang dumating na ang pagkain ay nilantakan niya na ito agad.
Parang gutom na gutom siya, tahimik at focus lang siya sa kanyang pagkain pero may time na sinusubuan niya din si Sophie ng ulam niya.
After namin kumain ay gagala pa sana kaming lima kaso tumawag na si Gretchen kaya nagpaalam na din ito agad. Nang makaalis siya ay pinaghahampas naman ako ni Den.
Napahawak naman ako sa aking braso. "Aray masakit." reklamo ko. Pinalo din siya ni Sophie dahil ayaw niyang nakikitang may nananakit sa akin, my daughter is just too sweet pero I had to tell her that it's bad.
"Gurl! Hindi siya good looking lang. She's damn too gorgeous and a real hottie!" komento ni Den.
I know, Den. I know.
"Kunyari wala ako dito na girlfriend mo noh?" i-iling iling na sabi ni Ara but she's sport. Kahit anong kalandian pinagsasasabi ni Den sa iba ay hindi ito napipikon. Siguro ay alam naman din niyang hindi seryoso si Den sa mga ganun.
"You go gurl, make landi na." natatawa sabi ni Dennise. I rolled my eyes at binuhat na si Sophie.
"I'm good, Den. I don't need anyone else. Sophie is my everything and she would always be." I kissed my baby at ngumiti naman ito.
"Love, let her be. Wag mo ipilit. Alam mong in a relationship si captain diba?" sabi ni Ara.
Tumingin naman sa akin si Ara at ngumisi na para bang may hindi siya magandang sasabihin kaya napataas na lamang ang isa kong kilay as if asking her kung ano iyon. She then sported a teasing smile.
"But I can say you like her." dagdag niya. She even nudge her shoulder to mine.
"The hell?" I cussed dahil hindi ko matanggap yung sinabi niya.
"Maybe not likey like but medyo likey ganun." paliwanag niya.
"No way." I scoffed at napairap na lang din.
Ako? Gusto si Mika?
Ha! Please lang
She may be good looking but I don't care dahil hindi ko gusto ang ugali niya around me. She's a girl with too much confidence, minsan arogante pero maganda yung ngiti.
Teka nga!
Napailing na lamang ako sa naisip at iniwan ko na silang dalawa at umuwi na din kami ni Sophie. Habang nasa sasakyan ay muli akong napaisip.
Me and Mika?
What the hell.
I don't even believe in love anymore. Well, Sophie is love and siya lang.
*****
Mika's
Nagising ako nang maramdaman kong may kumakalabit sa akin. "Good morning." bati ko sa maliit na batang nasa harap ko tangan-tangan ang teddy bear niya.
"Hi. Can we make breakfast for mommy?" nahihiya niyang tanong while swaying sideways. Ang cute naman ng batang 'to. Buti na lang mana sa mommy niyang maganda.
Lumingon naman ako at mahimbing pa din ang tulog ni Rachel, napatingin naman ako sa orasan ko at nakitang 6 am pa lang. Ang aga naman magising ni Sophie.
Tumayo naman ako at binuhat siya saka kami nagpunta sa kusina.
"What do you want for mommy?" tanong ko at isinuot ang apron sa akin at sa kanya.
"Pancakes!" masigla niyang sagot.
Tiningnan ko naman ang kabinet nila kung may panggawa sila ng pancakes, maigi na lang at meron dahil ayokong madisappoint ang batang 'to. Ayoko naman din lumabas nang ganito kaaga para lang maghanap ng store na bukas para lang ipagluto si Rachel.
Binuhat ko naman si Sophie at pinaupo sya sa kitchen counter.
"Do you know how to speak tagalog?" tumango naman siya at nag gesture ng konti lang. "Like?" tanong ko pa.
"Mahal ko si mommy." ngumiti naman siya nang pagkalaki laki. She surely loves her mom. Now I'm wondering what it feels like to have a child. I wish Gretch and I could adopt one sooner or better yet, with science.
"Ang cute cute mong bata ka." sabay pisil ko sa pisngi niya, tumawa lang naman siya.
Nagprepare na ako ng mga gagamitin, at dahil siya ang cook ay siya ang pinaghalo ko ng pancake mix. I guided her sa paghalo at tawa lang siya nang tawa. Ghad, this kid is so cute and I just want to stare at her all day.
Maya maya ay pinahiran naman niya ako ng mix kaya pinahiran ko din siya nang kaunti. Nang matapos siya maghalo ay nagluto na rin kami at siya naman ang naglagay ng butter at asukal.
"Let's bring this to mommy." sambit niya habang hinatak-hatak yung laylayan ng apron na suot ko.
"You should put the syrup first before we go to mommy, okay?"
Inabot ko naman ang maple syrup sa kanya. Naglagay pa siya ng heart shape sa gilid. Pwede ko bang i-uwi ang batang ito? Pwede bang akin na lang siya?
Kumuha naman ako ng tray at nilagay na yung pagkain nilang dalawa doon. Nang makarating kami sa kwarto ay nagtatatakbo naman siya sa mommy niya.
"Mommy! I cooked for you." bati niya dito at pinugpog ng halik si Rachel sa pisngi.
"Hmm. Goodmorning, baby." sabay kinulong naman niya si Sophie sa yakap niya.
I wonder what it feels like to be engulf in that hug.
Hala, I shrug my thought off.
"Goodmorning, Rachel." singit ko at napatingin naman siya kaya pinakita ko ang hawak kong breakfast in bed na tray.
"Mommy, captain lollipop helped me cook for you." nginitian ko na lang si Rachel at binaba na yung tray.
Nagpunta muna siya sa CR saglit at nang kakain na sila ay nagpaalam na akong aalis. I don't want to ruin their cute mother and daughter moment.
But the kid had another thing in mind.
"Captain, eat with us." sabi ni Sophie at nabulunan naman si Rachel. What just happened? Inabot ko naman yung tubig at hinagod ang likod niya.
"Pancake na nga lang ang kinakain mo nabubulunan ka pa." wika ko.
"I-I'm fine." Sabay waksi niya ng kamay ko at sinubuan naman niya si Sophie.
"Mommy, feed captain too."
"I'm go--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil isinalpak na ni Rachel yung pancake sa bibig ko.
"You should feed mommy too."
I smirked at kinuha yung buong pancake saka isinubo ito sa kanya.
Thank you Sophie for letting me bawi.
Sinamaan lang ako ni Rachel nang tingin bago ako kurutin sa tagiliran. Pasalamat siya nasa harap kami ng anak niya, kung hindi, baka ni-wrestling ko na 'to.
Nag-CR naman saglit si Sophie kaya naging awkward bigla ang paligid.
"Please don't get too close to my daughter. Ayokong ma-attach siya sayo." sabi niya bigla out of nowhere.
I was confused. "I can be your friend, Rachel. How could I hurt Sophie? Hindi ko naman din gugustuhin yun." sagot ko. Hindi ko alam saan galing ang mga sinasabi niya. How could I possibly hurt that weird little kid.
"Just please, please. Layuan mo ang anak ko."
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam kung anong problema niya bakit kailangan layuan ko si Sophie. Masasaktan saan?
Tss.
*****