Rachel's "Uyy." sabay yugyog sa akin ni Den habang malaki ang ngiti at halatang kilig na kilig. "Ilang araw na lang ikakasal ka na!" Hindi naman halatang excited siya. Hindi talaga. I mocked her, making faces. "Ilang araw na lang masasakal na siya." Biro ko at tumawa nang bahagya. Because honestly, I still don't get Mika sometimes. "Kamusta naman kayo?" Tanong niya pa habang inaayos ang desk niya, nasa hospital kasi kami ngayon, dito ko siya hinintay. I sighed and pouted. "Okay naman? Mali lang din ata yung umasa ako sa sinabi niya." I pursed my lips and forced a smila. "Baka ang gusto niya lang talaga is totohanin namin yung pagiging pamilya. Yes, she might have said na gusto niya ako. Pero never ko narinig yung salitang matagal ko nang gustong marinig, nahihiya naman ako sabihan

