Bella POV
Hindi na bumalik pa si Blake sa mga oras ng vacant hindi ko rin siya nakita pa . Pero pumasok naman sya sa mga subject na kailangan naming pasukan . Kakapanibago lang he is cold at me at syempre inuutusan pa rin niya ako noh hindi yata mawawala yun sa kanya . Ako pinapagawa niya ng seat work pag may assignment ibibigay niya sa akin yung notes niya . abah dinaig ko pa ang nag aral ng doble . Trabaho ng slave daw yun . Tatak nyo na sa bato lagi nya sinasabi wag ako mag reklamo kasi trabaho ng slave yun .
" this is the auditorioum ,minsan lamang itong gamitin specially kapag may mga dumadating na importanteng tao . At mga special events . " paliwanag ko sa kanya hayst opo kung tinatanong nyo kung nasaan ako heto nag totour guide . sa pag kaka alam ko hindi naman iyon yung kinukuha kong course haystt .
Tapos mukha namang hindi nakikinig sa totoo lang naman kaya na niyang gawin iyon kahit wala ako , ano kaya nakain neto at nag papa tour pa .
" Buy me some foods i'm starving ! " walang kagatol gatol na sabi niya abah kapal naman neto pabibilhin na naman ako ng pag kain .
" Hoy casper na mayabang wala akong pera wala akong pambibili ng pag kain mo ! " reklamo ko sa kanya abah sumosobra na sya even slave need a payment monthly noh ? pero siya libre lang ? ano siya ? hilo ?
" Poor ! " -__ - with that face ? sinabi ko bang mayaman ako hindi naman diba ? sapakin ko kaya ito .
" Thats why i am scholar hindi naman siguro masama mag aral dito diba ? saka ibinili na kita ng food noong nakaraang araw naubos na budget ko dahil sayo , nakapag lakad pa ako ng kay haba haba para lang makauwi " reklamo ko sa kanya , mabuti na yung alam niya baka sakaling maging mabait pero wish ko lang yun .
"Bella !!!! " may tumawag sa akin na familyar voice pag tingin ko sa likod nandun sina Trish at Stacey .
" hindi ka pa ba uuwi ? you want a ride ? " tanong ni Stacey sa akin . naku isipin niyo na lang kung si Trish at si Stacey kung sino ang laging mag aaya ng ride siempre si Stacey lang yun si Trish hindi maarte pa sa dilang maarte yan eh
Lumapit ako sa kanila Trish gave me a weird look ano na naman kaya nasa isip netong bruhang ito .
" ahm thanks na lang Stacey but i have something to finish pa eh . " paliwanag ko .
' oh really ? bakit mag kasama kayo ni Mr. Hootty ? " taas kilay niyang sabi . like what i said may iniisip siyang iba . ew .Lagyan ko kaya ng glue ang kilay neto ng hindi na siya mag effort itaas pa yun wahahah .
Tiningnan ko si Blake papalapit siya sa amin he is hot talaga . Kinikilig na naman ang tumbong ni Trish but sad to say dumaan lamang siya sa akim . wahahah . Lag lag panga na naman si Trish .
" ano di ka na nakasagot ? may something sa inyong dalawa noh ? nabihag ka na ba niya ? " mataray na tanong niya sa akin . muntik pa akong matawa ng malakas sa sinabi ni Trish gurabe .
" mas maganda at sexy naman ako pero bakit mas inuna ka pa niya ? " kainis ! " maarteng sabi niya sa akin tapos inirapan lang niya ako . I look at Stacey she's waiting for my answer i can't read what is in her mind .
" huminahon ka Trish dahil sa kadadadak mo i do't know kung ano uunahin kong sagutin okay " maarte kong sabi sa kaniya .
' wala na akong klase but i still have things need to be done for today alam nyo yan diba ? yung nakita nyo na mag kasama kasi we are classmates sa lahat ng subjects thats we are together , masama ba yun ? " sabi ko sa kanya . hahaha kakatuwa expression nya .
' and for your information im not one of his flings eww super eww ayaw ko sa lahat babaero , ang panget panget at ang sama sama ng ugali " paliwanag ko .
" BELLA !! " napalingon ako sa pinanggalingan ng bosses nakita ko si Blake ang sama ng tingin niya sa akin . Aw nakakatakot , but do i need to get scared? no way I'm Isabella walang kinatatakutan . wahahah . . But his looks make me scare now . oo tama na kayo nag gagamot lang ako sa sarili ko kanina promise . !
Nilinas lamang ni inay ang gubat este yung apartment ko hahah sorry guys but may inay said it's look like a gubat shhhhhh kayo diyan ahh but it's true ang kalat ko i don't have time na kasi mag linis o siya parang ang arte ko na mag salita aish nahahawa na ako kay Trish.Tinulungan ko naman si inay eh kasi kapag hindi siguradong sabon ang aabutin ko. tsk.Kahit ayaw ko nandito si inay eh namiss ko naman eh .
Speaking of inay ko ayun nag luluto siya ng pagkain ko masarap mag luto yan hindi ko nga namana eh.Kaya kahit hindi ko namana yung luto niya kinakain ko pa din luto ko abah siyempre luto ko yun eh . tsk.Nilapitan ko si inay at niyakap sa likod.
" ano ka bang bata ka baka mapaso ka lumayo layo ka nga " sabi niya sa akin .
" sus kunyari pang ayaw namiss nyo naman yakap ko " sabi ko sa kanya habang hindi ko tinatanggal yung kamay ko " hayaan nyo na ako dito hindi na ito mauulit pa hindi ko na kayo yayakapin " sabi ko sa kanya eheh minsan lang ako showie sa pagmamahal sa kanya.Hindi kasi ako ganeto.
" ano na naman kailangan mo ? Isabella? " tanong niya. aish.
"yumakap lang may kailangan agad? damihan nyo luto nyo bibigyan o sina Trish at Stacey " sabi ko sa kanya tapos tumalikod na pumunta na ako sa kwarto ko. aish minsan lang maglambing eh.
ilang sandali pa ay kumatok na si inay sa kwarto ko hindi ako sumagot kaya binuksan niya na yung pinto.
" tapos ko ng lutuin yung pagkain mo , aalis na ako kailangan ako sa hacienda " napatayo naman kaagad ako sa pagkakahiga.
"agad agad? bakit hindi na lang kayo dito matulog? gabi na kaya delikado ng magbyahe " sabi ko sa kanya.
" asus na batang eto kala mo naman gusto nya akong nandito " hmm totoo naman hahah maingay kasi iyang si inay lagi akong binubulyawan. " marami pa akong aasikashin sa hacienda baka dumating na doon ang anak ni Ma'am Bianca .
"ahh ganun naman pala " sabi ko tapos tumango tango pa ako bigla naman akong napatigil " WHAT !!? dadating si Al? inay ? totoo ba yang sinasabi nyo ? " tanong ko kay inay .Hinawakan ko pa yung dalawa niyang balikat at niyogyog
"diyos kong bata ka ! tigilan mo yan ginagawa mo at nahihilo ako .Isang linggo na ang nakakaraan ng makabalik si sinyorito pero hindi pa siya pumupunta sa hacienda ang alam ko nandito daw yun sa maynila " ano daw? nandito sa manila si AL ? oh my malapit na kaming magkita . ayieee kinikilig ako makikilala kaya niya ako ? hmmm
"pero teka nay bakit hindi pa siya pumupunta sa hacienda? " tanong ko sa kanya .
" abah ewan ko ayaw daw pumunta dun eh ,aalis na ako at baka hindi na ako makaabot sa byahe " paalam ni inay at saka kinuha yung bag niya .
"yung allowance mo tipirin mo at matatagalan na ako makakauwi o baka ipadala ko nalang sayo " sabi niya at akmang aalis na . Kinikileg ako .
" Inay hatid na kita " maisgla kong bati ,nararamdaman ko ng magkikita na ulit kami .
"aba himala ! oh siya sige tara na at baka hindi ko maabutan yung bus .
Hinatid ko naman si inay sa terminal ng bus alam nyo bang hanggang doon sermon ng sermon wag daw ako manlalaki doon aish as if naman gawin ko yun.Si inay talaga wala ba siyang tiwala sa akin ?
"Hoy Isabella yung bilin ko sayo huh ? wag mong kakalimutan " sabi ni inay nasa tapat na kami ng pinto ng bus na sasakyan niya .
"Oho Inay ! sige na baka maiwan kayo bye i love you ! " sabay abot ko sa kanya ng gamit niya at inilalayan na paakyat sa bus pwersahan na hahahah .
"aba't itong bata na ito huwag mo akong itulak ,susmaryosep ka kanina ayaw mo akong pauwiin ngayon tinutulak mo pa ako " reklamo niya .
" bye inay ingat " sabi ko na lang tapos umalis na ako sa may bus hahahahah aalis na din naman kasi yung bus kasi nag salita na yung driver kumaway na lamang ako.Di naman siya nakatingin heheh . Sweet kong anak noh ? hinatid ko pa si inay dito sa terminal . .