Pangatlo

2030 Words
Isabella Point of View Papunta na ako sa hallway it's because it’s  5 o'clock pa naman eh pupunta muna ako sa tambayan namin sa may ground floor. Nang biglang may bumagsak na kung ano mula sa itaas. "Awww!" sabay  himas ng noo ko . " tss. stupid! " huh? Stupid daw? noong narinig ko iyon familyar ang voice nya ahh wait . . . . . . . tumingala ako at tiningnan ko kung ano ang nalaglag pero hindi bagay ang nakita ko doon kundi isang tao.  Di nga ako nag kamali sya yung lalaki nakabangga ko and take note sya lang naman ang taong naka disgrasya sa akin. Oooops wag masamain ang sinabi ko na naka disgrasya. What I mean is when I’m with him laging accident front ako. " Ikaw na naman? Hindi mo ba ako tatantanan ? Huwag mong sabihing stalker kita? "pag tataray ko sa kanya. Aba nakakatakot kung stalker ko siya dahil kung nasaan ako ay nandoon din siya. "Excuse me?  What did you just say?" Hindi ba nya ako naintindihan? sa pag kaka alala ko ay nag tagalog sya kanina. I just rolled my eyes.   "Ang sabi ko ayusin mo iyang itsura mo, sayang gwapo nga kaya lang tanga ka pala,"   sabi ko at saka humakbang na paalis pero bago pa ako makalampas sa kanya ay hinawakan niya ang kamay ko.   Napatingin ako bigla sa paligid at napahinga Mabuti na lamang at walang gaanong tao dito kundi kakalat ang issue dahil nga sa sikat ako. Ayaw kong masira ang image ko.   ‘The Goddest  of the NRMMU ay nakipag away sa isang low profile jerk '    wow nice one but never hindi ko yata makakayang magkaroon ng issue about sa akin. I’m the goddess at hindi pwede mangyari iyon .   Tiningnan ko sya sa mata , wow ahh infairness ang ganda ng mga mata nya ,erase erase nasa war ka ngayon Isabella.   " Excuse me? Do you want me to repeat? Are you deaf? " tanong ko  I tried na kumawala sa pag kaka hawak nya pero hindi , masyado syang malakas .   " What did you just say? Do you think I can forgive you?"   hanu daw?  forgive me? the hell I care,   " Who cares? bitiwan mo nga ako at baka masapak pa kita dyan," panghahamon ko .   I smirked, " Ikaw ang nag umpisa at hindi ako"  sabi ko pa , nakita kong nag iba ang mga mata nya nakikita ko sa mata nya ang galit lalo na sa mukha nya .   "Oh ano? Di ka makasagot hindi porket babae ako hindi kita lalabanan, ibahin mo ako at isa pa wala akong kasalanan sayo, baka ikaw pa. “Teka stalker ba kita?” tanong ko sa kanya hindina ako nakatiis e.   " Ako stalker? No way! At anong walang kasalanan? eh ikaw na nga itong nag sabi na sa tuwing nag kakalapit tayo eh may accident na nangyayari try mo kayang lumayo , and like what you did kanina kasalan mo iyon hindi ka nakatingin sa daan kaya ikaw ang nahulugan ng sapatos ko,” sabi niya. “Sorry ha malay ko ba naman kasing pakalat-kalat ka dito sa University hindi ko nga alam kung paano ka nakapasok dito e hindi ka naman estudyante. " It’s all your fault and your stupid manners,"  sabi nya aba sagad to the bones na ang galit ko ahh nag iinit na ang ilong ko na any minute ay susugod na talaga ako  na parang torro lang kaya tiningnan ko sya ng masama .   " You know what , let's end this hahaba pa itong usapan na ito eh , nakakahiya lang dahil walang patutunguhan at isa pa may kailangan pa akong puntahan ," Oo na sumuko na ako pero hind dahil sa kanya kundi ayaw ko ng makipagtalo pa at dahil sa totoo lang may pupuntahan at gagawin pa ako .   " So sumuko ka na? Is this game is over? "  he smirk.   " You wish! But I think it's the best way para tumigil ka na,"   I tried to alis-alis my arm na hawak pa rin nya, shocks sa sobrang higpit nyang humawak baka mag pasa ito ,grabe lalagyan pa ng marka ang braso ko,kainiss!   "Let me go, may mga gagawin pa akong mas importante,"  sabi ko na lang pero hindi nya ako binitawan . sa gulat ko sa ginawa nya nanlaki ang mga mata ko. Lumalapit sya sa akin palapit ng palapit.   Dug dug dug dug dug dug. Kinakabahan ako ang lapit na ngmukha nya sa akin I tried to step back pero hawak na rin nya ang katawan ko .   Dug dug dug dug .Ano ang gagawin ko?  . . . Hindi na ako makaalis. Is he going to kiss me ? Oh may Shemayy! Nang one inches na lamang ang layo ng mukha n’ya ay nag smirked siya. "Wha - what are you do - doing? " oh god nauutal ang boses ko. " Do you think na makakalayo ka sa akin? See you tomorrow!" sabi niya at ngumiti    Then umalis na siya at pagkatapos noon ay parang binuhusan ako ng yelo at ilang minute akong na- idle. Bakit sinabi niya iyon? At ano iyong ginawa niya kanina? Bakit lumapit pa sya sa mukha ko and to think na hahalikan nya ako. Gosh nakakahiya. " Hoy!"                                       " Ay halik!"   nagulat ako nang gulatin ako ni Trish .   "Anong halik pinagsasabi mo dyan? "    tanong ni Trish   " Wala, bigla-bigla mo kasi akong ginugulat eh,"   sabi ko sa kanya,"Nasaan si Stacey?" tanong ko ng makitang walang kasama si Trish.   "Nasa tambayan, kanina pa namin ikaw inaantay , nandito ka lang pala at nakatulala!"  sabi nya tapos nag lakad na kami papuntang tambayan.    "Teka anong halik ang pinag sasabi mo? May first kiss ka na ba? Sabihin mo nga sa akin? Sino?" sunod-sunod na sabi niya.   Hayst sobra naalala pa nya iyon at nadagdagan pa ang tanong nya.   " Wala iyon,wala akong first kiss!"  sagot ko sa kanya.   “Ows? "   yan na nga ng sinasabi ko hindi na sya titigil sa pangungulit.   Buti na lamang at nakarating na akami sa tambayan sa ilalim ng puno.   " Bella ! " akangiting sabi ni Stacey   " Hi, pasensya na kayo ahh, medyo napa-trouble lang ako,"  sabi ko sa kay Stacey.   " Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin.   " Yep”  maliban sa braso kong masakit pa rin syempre hindi ko na sinabi iyon at hahaba pa ang usapan .   " Okay! ituloy mo na ang kwento mo tungkol sa scholarship mo," sabi ni Stacey .   " Stacey need pa ba iyan eh alam naman nating effect lang iyan ng gutom ni Bella" sabi ni Trisha.   " Okay sige sasabihin ko na," npipilitang sagot ko.   Ikinuwento ko na ang lahat lahat sa kanila. Syempre lahat,lahat pati yung mga pasagot na pabalang ko hehe, uy pero hindi ko sinasadya yun ahh, pati yung part na sinabihan ko si Ms. single na kung leader sya ng Sorority.   " Wha- what? Bakit mo sinabi iyon kay Ms . De Guzman? Nababliw ka na ba Isabella?"   oo-oh tinwag na ako sa totoong pangalan ni Trishia.   "Eh hindi ko naman kasalanan eh yung utak ko saka ano pa ba ang pwede kong salihan eh narinig ko kaya sa mga balita na sa mga schools na ganito nag re-recruit ng mga fraternity naku malay ko bang kung kasali nga si Ms. De Guzman doon mahirap na noh " elf defence ko hehehe   "Naku Bella kukutusan na kita eh kung tanggalin nga ni Ms. De Guzman yung scholarship mo eh di hindi ka makakapag aral at hindi ka makaka-graduate? Eh di mag aalala nanay at tatay mo? " say ni Trishia.  Oo nga noh mag aalala si inay sa akin pag nag kataon, pero ano pa magagawa ko? eh nagyari na.   "Saka Bella yung dila mo pwede mo bang itali muna iyan? kung ano anu lumalabas eh," pinag tutulungan na nila ako.   "Wala na akong magagawa nangyari na ang dapat hindi mangyari,we can't change it,"  sabi ko na lang kahit na kinakabahan na ako.   "Ito pa ah gusto pa nya akong mag sulat ng sorry letter for 10 sheet of paper back to back, hindi ko yata keri iyon ahh  for my entire life na nandito sa unversity na ito ngayon pa lang niya ako pinagawa ng ganu’n? " katwiran ko.   " Kasi, Bella dapat hinay-hinay ka lang eh," sabi ni Stacey.   " Okay girl if this is your last day eh di taralets find na tayo ng boys para kung mamatay ka eh hindi na virgin yang labi mo," ibang klase talaga itong si trisha. Umiling-iling ako.   “Iling-iling ka dyan , dapat positive ka hindi yang mukha kang sinakluban ng langit, take your time sa mga magagandang bagay , samahan pa kita , lalo na sa pag hahanap ng boys,"  it's Trishia well tawa ng tawa ang loka.   " Teka! KAIBIGAN BA TALAGA KITA? " tanong ko sa kanya, " Pero, like ko yan! tara gorabels,"   sabi ko pa hahah need ko ito tama si Trishia need kong mag saya.   TOINK !   TOINK !   " ARAYYY !!! "  sabay naming reklamo ni Trishia . .   " Sakit nu’nn ahh nagiging sadista ka na?” reklamo ko kay Stacey binatukan ba naman kami, saya naman nun?   "Oo nga bakit ka ganyan eh gusto lang naman namin mag saya hanggat naririto pa si Bella," sabi naman ni Trishia. Heheh ,mag ka close talga kami nyan pag dating sa pag hunting ng boys pero gang doon lang kami.   " Eh mga siraulo pala kayo eh! kung anu ano iniisip nyo, ikaw Bella ayusin mo iyan ha gawin mo ang pinagagwa ni Ms. De Guzman na sorry letter then mag apologize ka sayang yung scholarship mo," galit na sabi ni Stacey pero hindi halatang galit kasi ng soft lang siya magsalita.   Well no choice tahimik kami ni Trisha kasi nga si Stacey na ang nag salita, sa  aming tatlo yan ang pinaka mature mag isip.   "Okay!" yun lang ang tanging nasabi ko.   Kukuha na ako ng papel ng biglang kinuha nina Stacey at Trishia ang gamit nila at aalis na.   " Uy! Saan kayo pupunta? " tanong ko.   " Huh? eh di uuwi na wala na kaming klase ikaw meron pa. You have 5 minutes to write that sorry letters,"   tatawa-tawa namang sabi ni Trishia.   "Yeah so gawin mo lang iyan huh? Bye!"   o-oh yun lang mga true friend ko na sila ,. iniwan nila ako dito? Shocks!   The next day ....   Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong estudyante dito at huminto sa tapat ko at tumingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.   " Ms. Santiago," sabi ni Ms De Guzman. "Yes?"  tanong ko.   “Pinagrereport ka ng Dean sa office n’ya,” sabi niya at umalis na din kaagad.   At no Choice nagpunta ako sa office ng Dean. Labag man ang sarili ko ay siguro nga ay tama si Stacey hihingi ako ng tawad. O di kaya ay tanggapin ko ang alok ni Ms. De Guzman. "I told you to send me your sorry letters yesterday, pero wala kang dinala dito?" yan agad ang bungad niya sa akin pagkapasok ko sa office niya.   " Ma'am eh nag punta po ako dito pero sarado na po itong office nyo ,"  sabi ko na lang .   " Anong pinag sasabi mo ? , argh well cut it off about to your Scholarship,"  ito na po hahatulan na ako whew… dug dug dug dug dug . . .   "Tungkol po diyan," pumunta ako sa tabi nya at lumuhod.   "Papayag na po akong sumali sa sorority club  wag n’yo lang po alisin ang scholarship ko, maawa na po kayo graduating na po ako,” paghingi ko ng tawad sa kanila.   " MS. SANTIAGO !!!! "   Aw! Sumigaw na naman siya. Mali na naman ba ang ginawa ko?   "HAHAHAHAH HAHAHAHHA"   Hala sino yung tumatawa wagas  kala mo may wala ng bukas ,wait tawa? Sino? Sinong tumatawa? tayo lingon liningon hanggang sa…    OMGIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!! SIYA NA NAMAN!   To be continue . . ..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD