Nasa hapagkainan ngayon sila David at Bertrant. Magkatapat na nakaupo sa magkabilang side ng mesa at pinagsasaluhan ang inihandaang mga pagkain para sa hapunan. Tahimik lamang ang dalawa. Panaka-nakang tinitingnan ni Bertrant si David na abala lamang sa pagkain ng mabagal. Napangisi si Bertrant. Tumigil ito sa pagkain at binitawan ang hawak na kubyertos. Nangalumbaba sa mesa at diretsong tiningnan si David. “Nalaman kong nagpunta dito si Maxwell,” nangingiting saad ni Bertrant. Napatigil naman si David pero nanatiling nasa pagkain lang ang kanyang tingin. “Hindi mo ba siya nakita?” pagtatanong pa ni Bertrant. Hindi sumagot si David. Nanatili lamang siyang tahimik at nasa pagkain pa rin ang tingin. “Tintanong kita kaya sumagot ka,” madiin na singhal ni Bertrant na nakakaramdam ng ini

