Dahan-dahang ipinarada ni Maxwell ang kanyang kotse sa parke ng park. Napatingin ito kay David na nakatingin naman ang mga mata sa labas ng bintana. “Akala ko naman kung saan mo ako dadalhin... dito lang pala sa park,” nangingiting sabi ni David saka tiningnan si Maxwell. Ningitian naman si Maxwell. “Bakit? Ayaw mo ba rito?” pagtatanong niya. “Hindi naman. Umasa lang ako na sa espesyal mo akong lugar dadalhin,” pabirong sambit ni David saka mahina siyang tumawa. Natawa naman si Maxwell sa sinabi ni David. “Espesyal rin namang lugar ang park,” aniya. “Hindi mo ba alam na puntahan ito ng mga magkasintahan.” Kumunot ang noo ni David. “Magkasintahan? Tayo?” tanong nito. Napatango-tango si Maxwell. Mas lumapad ang ngiti sa labi niya. “Magkasintahan s***h mag-asawa,” napapangiting sagot

