“Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay habang wala ako. Huwag na huwag kang magpapapasok ng kung sino-sino,” pagpapaalala ni Maxwell kay David habang tsine-tsek nito ang mga gamit sa loob ng dadalhing bagpack. Baka may nakaligtaan siya at mahirap na kung malaman lang niya kapag nasa byahe na siya kaya masusi niyang binubusisi ang mga dadalhin niya. Nasa sala sila Maxwell at David. Nakaupo sa mahabang sofa si Maxwell habang sa single sofa naman si David na nakikinig at napapatango naman sa mga sinasabi ng una. “Kung may maghanap naman sa akin, sabihin mo bumalik na lang kinabukasan. Babalik ako kaagad kapag natapos na ang conference ko sa Davao,” dugtong pang paalala ni Maxwell. Kailangang umattend ni Maxwell sa conference na gaganapin sa Davao. “Huwag kang mag-alala at ako ng bahala d

