Malalim na ang gabi. Nasa sala si Maxwell at mag-isa lamang siya. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang nakatutok ang mga mata sa nakabukas na telebisyon at pinapanuod ang isang maaksyong pelikula. May hawak na beer in can ang kanyang kanang kamay na siya niyang iniinom. Nakapokus man sa pinapanuod ang kanyang mga mata ngunit ang kanyang isipan ay lumilipad sa kung saan. Hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya ang mga kasalukuyang nangyayari sa kanila ni David. Hindi na sila masyadong nagkakausap hindi kagaya nu’ng dati. Kung magkakasalubong man sila dito sa bahay, kundi iiwas ay magtatanungan lamang sila at maikling sasagot. Para silang mga estranghero na malayo sa isa’t-isa kahit na iisa lang naman araw-araw ang inaapakan nilang lupa. Huminga nang malalim si Maxwell. Uminom siya ng alak

