Abala sa pagwawalis ng bahay si David. Kumakanta pa siya habang ginagawa iyon para hindi niya maramdaman ang pagod dahil sa ginagawa. Medyo nakakapagod din para kay David ang paglilinis ng bahay dahil hindi naman siya sanay na gawin ang ganitong bagay. Lumabas naman mula sa kwarto niya si Maxwell. May mga bitbit itong damit sa magkabilang kamay at mga nakatiklop ang mga iyon. Bumaba siya sa hagdanan at nang nakababa na siya ay nakita niya si David na abala sa ginagawa niyang pagwawalis. Napangiti ito saka pumunta sa sala. “David.” Napatigil sa ginagawa si David at napatingin sa pinanggalingan ng boses ni Maxwell. Nakita niya itong nasa sala kaya agad-agad siyang lumapit ng hindi man lang binitawan muna ang walis na hawak. “Bakit?” nagtatakang tanong ni David. Tiningnan ni Maxwell ang

