Tulala si Maxwell habang naglalakad. Hindi na niya alam kung lupa pa ba o buhangin na ang kanyang nilalakaran. Wala na rin siyang pakiealam kung nasaan na siya. Dumadaloy sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya pero hindi niya pa rin maiwasang mangamba para sa kaligtasan ni David. Inaalala niya pa rin ito sa kabila ng mga nasabi nitong masasakit sa kanya. Mabuti na nga lamang at suot na niyang muli ang salamin niyang itim sa mata kaya hindi nakikita ng iba ang pamamaga nito dahil sa walang tigil na kakaiyak kanina. Lalaki man siya ngunit dahil sa sobrang sakit, kahit ang masaganang pagbuhos ng luha ay hindi niya napigilan. Humugot nang malalim na hininga si Maxwell. Pakiramdam niya ngayon, parang siyang patay pero humihinga, gumagalaw ngunit

