Chapter Two

1315 Words
"'I FEEL good. I knew that I would. Now I feel good. I knew that I would. So good, so good. I got you.'" Naiinis na binato ni Garfield ng nilamukos na papel ang kakambal niyang si Odie na sinasabayan ng pagkanta ang stereo ng kotse. Nagmamaneho ito nang mga sandaling iyon. "Hey, will you please stop singing that song?" Odie just rolled her eyes. "Why? Isn't this the song from Garfield's movie? I feel goo—aw!" Muli niya itong binato ng nilamukos na papel na mula sa pahina ng sketchbook niya na ikinatili nito. Kung bakit ba kasi sa lahat ng babae, iyong mapang-asar at maarte pa ang naging kakambal niya. He hated his name, and he also hated his twin sister's name. Ipinangalan kasi sila ng mommy nila sa paborito nitong comic book characters. Ang mas nakakainis, kung sino pa ang babae sa kanila ng kakambal niya, ito pa ang walang reklamo sa pangalan nito. And that didn't stop there. Odie loved to associate him with things that were connected to Garfield, the fat and lazy orange cat. "Isn't Odie supposed to be dumb?" nang-aasar na tanong niya. "Of course not. Odie spoke once in one comic strip—" "I'm not interested," nababagot na putol niya sasabihin nito. Bumaling siya sa labas ng bintana saka naghikab. Kinusot niya ang kanyang mga mata at unti-unti siyang sumandal sa headrest ng upuan dala ng antok. "Hindi ako makapaniwalang inihahatid ako ng kapatid ko sa unang araw ko sa bago kong unibersidad. Damn! Why did Mom have to confiscate my car? How am I supposed to live now? And why the hell did I need to change universities?" "I told you not to test mom's patience. Mabuti nga at hindi ka niya ipinatapon sa Amerika. Ikaw naman kasi. Hindi ka pumapasok sa dati mong eskuwelahan. Sa lakas ng koneksiyon ni Mommy, sa tingin mo ba, hindi niya 'yon malalaman? Beinte-tres anyos ka na, hindi mo pa rin matapos-tapos ang kurso mo dahil sa mga kalokohan mo. Kailan ka ba magiging arkitekto, ha?" Ang limang taon na kursong Architecture ay pitong taon na halos niya kinukuha. Huminto siya nang isang buong taon dahil sa isang aksidente. Mahilig kasi siya sa illegal drag racing sa kalsada kapag madaling-araw na muntik na niyang ikalumpo. Isang gabi, sumobra sa bilis ang pagpapatakbo niya sa Ferrari niya at dahil nawalan siya ng kontrol, bumunggo ang kotse niya sa fence sa gilid ng kalsada. Ilang buwan siyang hindi nakalakad. Mabuti na lang at nadaan sa therapy ang mga paa niya. Pero nang magbalik-eskuwela naman siya, tinamad na siya dahil ang mga kaibigan niya ay naka-graduate na. Huling taon na kasi sana niya sa kurso niya noon. Ngayon naman, nalaman ng mommy niya ang hindi niya pagpasok sa eskuwelahan noong nakaraang semestre. Ang akala nito ay nabarkada na naman siya kaya siya nito inilipat sa ibang unibersidad. Kaya ngayon ay balik na naman siya sa huling taon ng Architecture, pero sa ikalawang semestre na dahil naipasa naman niya ang unang semestre sa dati niyang unibersidad. Ilang buwan na lang, kung sisipagin siya, makaka-graduate na siya. Bumuga siya ng hangin. "Odie, our family owns an architectural firm. Kahit anong taon pa ako magtapos, sigurado namang may kalalagyan ako sa kompanya." Odie just rolled her eyes again. "Whatever, Garfield." Ngising-aso lang ang isinagot niya rito. Nang huminto ang sasakyan ay agad siyang umibis nang hindi man lang nagpapaalam sa kapatid niya. "Wow! Thank you, ha!" sarkastikong sigaw ni Odie. Nakangising nilingon niya ito. He blew kisses at her. "You're the best sis in the world!" Natawa ito. "Sira! Behave, ha? I'll pick you up after class!" He just waved her off. Pagkatapos niyon ay umalis na si Odie para pumasok sa trabaho nito. May-ari ito ng isang local clothing line. Fashion Design ang kinuha nitong kurso noong nasa kolehiyo ito at ngayon ay ginagamit na nito ang pinag-aralan nito. Hindi tulad niya, balik-eskuwela na naman gayong matagal na dapat siyang tapos. Well, who could blame me? School is boring. Nag-inat siya. Akmang maghihikab siya nang may makita siyang interesanteng bagay. Sa halip na maghikab ay nalaglag ang panga niya. Nang makabawi ay ngumisi siya, saka pumito sa kanyang isipan. Nice legs! Hindi niya maialis ang paningin niya sa mapuputi at mahahabang binti ng babae na nakatayo sa harap ng bulletin board sa tapat ng main building. Nakatalikod ito sa kanya pero postura pa lang nito ay mukhang maganda ito. Though he couldn't be sure of that. Pasimple siyang tumayo sa tabi ng babae upang makita ang mukha nito. Muntik pa siyang mapapikit nang maamoy niya ito. She smells so damn good! Oo, aaminin niya. He was acting like a p*****t but he couldn't help it. He was drawn to this sweet-smelling girl with the nice legs. And he could swear, it wasn't just her legs or her scent. May kung ano dito na humahatak sa kanya. Hindi lang niya alam pero higit pa sa pisikal na atraksiyon ang nararamdaman niya para dito. What was it about her that attracted him to her? Was it her good posture? The confidence she exuded? Or her mysterious aura? He wasn't the type of guy who would check out a girl just because she was hot. Kaya alam niyang may espesyal sa babaeng ito para makuha nang ganoon ang interes niya. Heck, it was if she was calling out to him when she wasn't even facing him. Mula sa magaganda nitong binti ay unti-unting umangat ang tingin niya. She had curves in all the right places. Napangiti siya. Lalo na nang dumako na ang mga mata niya sa mukha nito. Dahil nakatagilid ito ay kitang-kita niya ang korte ng matangos nitong ilong. Mahahaba rin ang pilik nito. Natural din ang pamumula ng mga pisngi nito. Mahaba ang itim na buhok nito na medyo kulot sa dulo. She was a certified beauty. Nang mapansin kung gaano ito katutok sa binabasa nito ay nilingon niya ang bulletin board. Maraming anunsiyong nakapaskil doon pero may isang pumukaw sa atensiyon niya dahil sa malalaking bituin na nakaguhit sa papel. Student exchange program? "What will happen if you stand close to something that is shining brightly?" Dammit! Even her voice is sweet! Dahan-dahan niyang nilinga ang magandang babae. It seemed she was asking herself that question and didn't expect him to answer. Pero natagpuan pa rin niya ang sarili niyang sumasagot. "You'll probably become a shadow." Unti-unting tumingin sa kanya ang babae. Alam niyang sinabi na niyang maganda ito. Pero mas maganda pala ito ngayong nakaharap na ito sa kanya! Her eyes were round and dark, and her heart-shaped face was small and angelic. Her skin looked so soft and smooth; he wanted to touch her just to make sure if she really was as soft as she looked. And... And I'm starting to really be a perv. Curiosity flitted across the girl's eyes. "Then, what should you do to stop being a shadow?" Tumikhim siya. "Well, you have to stay away from the light." Their conversation was weird, but he didn't give a damn as long as she was talking to him, as long as she was looking back at him. Umiling ito. "Paano kung ang gusto ko ay mawala ang ilaw na 'yon?" Nagkibit-balikat siya. "Turn off the light, maybe?" Ilang sandaling nanatiling blangko ang mukha ng babae. Mayamaya ay kumislap ang mga mata nito. She excitedly touched his arm. Sa unang pagkakataon din ay nakita niya itong ngumiti. "Thank you," anito sa matamis na tinig, saka siya iniwan. Nanatili siyang nakatayo lang habang sinusundan ito ng tingin. Hinawakan niya ang braso niya na hinawakan nito. The warmth of her soft hand still lingered there. Hindi rin niya mabura sa isip niya ang maganda nitong ngiti. Napangisi siya habang umiiling. "Hindi ako makapaniwalang kung kailan matagal na akong graduate sa pagiging teenager, saka pa ako nagka-crush." Walang babalang hinila niya sa kuwelyo ang maliit na lalaking dumaan sa harap niya saka ito inakbayan. Nang tapunan siya ng nagtatakang tingin ng "biktima" niya ay itinuro niya ang magandang babae na ilang hakbang pa lang ang layo sa kanila. "Boss, kilala mo ba kung sino 'yong magandang 'yon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD