What the hell? Kung hindi lang nakakabastos sa cashier ay baka pinagbabato ko na ang lahat ng pinamili ko makauwi lang ako kaagad. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko habang lalo akong tumatagal dito at naiisip na nandito rin si Pao kasama ang ex niya. Hindi ko matanggap na iisang hangin lang ang nilalanghap namin ngayon! Nagliliyab ang dibdib ko at halos umusok na ang ilong pati tainga. Ang tingin ko sa bawat pagkain na hinahawakan ng cashier para i-punch ay sobrang sama na animp'y sila ang may kasalanan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Ni hindi ko nga mangitian ang cashier na malawak ang ngiti sa akin kahit na mukha na akong papatay ng tao sa sobrang inis. How come na siya pa mismo ang nangako na susunduin ako pagkauwi and then siya rin pala ang mismong hindi tutupad? Ini

