"Did you bring your car?" Nakasimangot kong inilingan si Pao na sinuklian lang niya ng isang marahan na tango at malambing na ngiti. Ang puso ko, kumakabog-kabog na naman ng napakalakas at napakabilis.
Simula pa noon, sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay lumilipad ako sa mga ulap. Hindi ko lubos akalain na abaot ang pakiramdam na iyon hanggang ngayong matatanda na kami.
Gegewang-gewang kaming naglakad palapit sa parking lot ng club.Hindi naman ako lasing pero bakit parang may sariling buhay ang daan at gumegewang? Kanina, ayos pa ang paningin ko pero nang hawakan ako ni Pao at itayo, parang natunaw ang tuhod ko at hindi na ako makalakad ng maayos. Ganito ba talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao?
"Oh?" Itinuro ko ang sasakyan niyang gumegewang din. "May sariling buhay 'yung kotse mo? Magkano mo nabili?" Inilingan lamang niya ako at inalalayang sumakay sa sasakyan. "Sa bahay ako, ah?" Bulong ko sa kaniya habang hinahayaan siyang ayusin ang seatbelt ko. I kissed his neck ngunit agad niyang itinulak palayo ang sarili niya sa akin at patakbong umikot para makapunta na sa driver's seat.
"Talagang sa inyo ka para makapagpahinga naman si Tita. You're always out with your friends kahit na may sakit ang Papa mo at wala si Kelly para tulungang mag-alaga ang mama mo."
Tinignan ko siya ng masama. Tanging sulyap lang ang naibigay niya dahil abala siya sa pagmamaneho. Ang traffic na madalas naming makita twing umaga ay wala na ngayon. Sabagay, hating gabi na kaya naman halos solo na namin ang daan ngunit bakit umiikot pa rin?
"Hindi naman sa pinagbabawalan kitang mag night out with your friends, uanhan ko na dahil alam kong iyon ang iniisip mo, pero sana naman, bawasan mo ngayon lalo na't si Tito ay nagpapagaling pa. Kahit sinpleng lagnat lang iyon, kailangan pa ring bantayan to make sure na maayos ang lahat."
Patuloy sa pagsasalita at panenermon ang boyfriend ko ngunit ang atensyon ko, wala sa kaniya kundi nasa kalsadang umiikot kasabay ng tiyan ko. Ramdam ko talaga na may namumuong kung ano sa tiyan ko na gustong lumabas. Hala! Hindi kaya baby na namin ni Pao ito?
"Bukas, may trabaho ka ba?" Umiling lang ako ngunit hindi ko sigurado kung nakita niya dahil hindi naman niya inalis ang tingin sa daan. "Wag ka na munang umalis kung wala. Ikaw naman ang magbantay sa Papa mo para makapagpahinga si Tita. Kailan ba ang uwi ni Kelly?"
Gustong-gusto ko siyang sigawan na tumigil na muna siya sa pagsasalita dahil hilong-hilo na ako at parang nakikita ko na ang mga letters na lumulutang sa mukha ko mismo ngunit hindi ako makapagsalita.
Humahapdi na ang tiyan ko at alam kong ilang minuto lang ay maibubuga ko na lahat ng sama ng loob ko pero hindi pwede rito sa kotse niya! Nakakahiya!
Itinaas ko ang kanang kamay ko at pilit siyang sinesenyasan na igilid noya ang kotse. Lito niya akong pinanood at nang mapansin sigurong iba na ang itsura ko ay halos sumubsob ako sa sobrang bilis niyang iginilid ang sasakyan niya at inalalayan ako pababa.
Ilang segundo lang pagkalabas ko ay nagsilabasan na nga ang lahat ng sama ng loob ko. Sh*ta sayang ang perang pinambili ng alak kung isusuka ko lang!
"Hindi pala lasing, ah?" Panunuya ng kasama ko.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naglalabas ng sama ng loob doon sa pinaghintuan namin ngunit pinagsisisihan ko na uninom ako ng napakarami. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko kinabukasan at halos hindi na ako makatayo.
"I'm home! Okay, eww your room smells kadiri!" Sigaw ng kapatid ko na hindi na nagawa pang pumasok sa kwarto ko.
Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko at hilong-hilo ako. Hindi na talaga ako iinom, ever! I swear! Pero syempre, joke lang. Nang gabi ring iyon ay dito dumiretso si Paolo galing trabaho at sakto namang nandito na rin ang kapatid ko kaya nagkayayaan sila na mag chillnuman. Ayaw akong pasalihin ni Paolo at gusto niyang sa kwarto lang ako pero syempre, kailan ba ako sumunod sa rules? Si Papa nga lang yata ang nakakapagpasunod sa akin, eh.
"I'll play underneath the stars of Mariah Carey, 'kay? Walang mag rereklamo." Wala pa mang umooo sa amin ay sinimulan na ng kapatid ko ang pagpapatugtog.
One summer night, we ran away for a while..
Laughing we hurried beneath the sky
To an obscure place to hide
That no one could find...
Isinandal ko ang ulo ko na bahagya pa ring masakit sa balikat ni Pao. "Pangit ninyo ka-bonding." Usal ng kapatid ko na diretsong nilagok ang red wine.
"Bitter ka lang. Nasaan ba ang boyfriend mo?"
Kinunotan niya ako ng noo. "As if I have a boyfriend, Kuya. Teka nga, wag buhay ko ang pag-usapan natin. Why don't you tell me how you met my Kuya, Pao?"
"Gaga, ka? Kuya tawag mo sa akin tapos dito sa boyfriend ko, first name lang?" Taas kilay kong tanong.
Tinaasan din niya ako ng kilay. "Okay. Let me rephrase that." Binalingan niya si Paolo na nakangisi lang habang nilalaro ang yelo sa baso niya. He's drinking beer habang si Kelly ay red wine. As for me, tubig lang dahil iyon lang daw ang pwede sa akin sabi ng jowa ko. Ahe, ang ganda ko. "Why don't you tell me how you met Ronaldo Alberto, Pao? Oh, happy ka na?"
Desidido na ako. Ibebenta ko na talaga ang leche kong kapatid. "Sh*ta ka, sa ganda kong ito, tatawagin mo ako sa ganyang pangalan? Kaasar."
And we drifted to another state of mind
And imagined I was yours and you were mine
As we lay upon the grass there in the dark
Underneath the stars (young love)
Underneath the stars (young love)...
"Me and your Kuya met noong napagkamalan siyang pulubi ng kapatid ko..." mabilis ang naging pagbaling ko kay Paolo na nakatitog sa baso niya, tila malalim ang iniisip ngunit kitang-kita naman ang malawang niyang ngiti.
Pakiramdam ko, pinipilit niyang alalahanin ang lahat. Kung paano kami nagkakilala at iyon ay nakakakilig para sa akin. Para akong bulate na binudburan ng asin at ang tiyan ko, nakikiliti.
Kaso, nasira ang lahat sa malakas na pagtawa ng kapatid ko. Panira. "Seriously? Sabagay, kahit ako, if I am not your sister, baka napagkamalan din kitang pulubi before. You don't even know you're madungis and yet, you're so proud of yourself back then!"
Pwede ko bang ikahon 'tong kapatid ko at ipadala sa bahay nina Kuya? Doon na lang siya. Masaya naman kami nina Mama at Papa rito sa amin. Magulo lang kapag nandito si Kelly. Pasaway at mapang-asar na, inglisera pa.
"Yeah. Kulot even gave him twenty peso bill dahil awang-awa ang kapatid ko sa kaniya. It was Liana who clarified na hindi siya pulubi..." nagtawanan at nagpatuloy sila sa kwentuhan.
Naaalala ko lahat ng sinasabi ni Pao at ikinagulat ko na maging siya pala ay naaalala pa lahat. Ni hindi ko nga alam na napapansin niya kami ni Liana noon sa tuwing pumupuslit kami para panoorin siyang mag basketball. Noon ay kuntento na ako na nasusulyapan ko siya kahit malayo, nakikita ko siyang ngumingiti, tumatawa at nakikipag-usap sa iba pwers lang sa girls, syempre.
"Oh?" Sabay silang napalingon ni Kelly sa akin nang bigla ko siyang hampasin sa braso. "I remember your ex-girlfriend na pinagbintangan akong magnanakaw sa Mount Samat. Doon nagsimula ang pag-stalk mo sa akin, hindi ba?"
Nawala ang ngiti niya at tinaasan niya ako ng kilay. "I didn't stalk you. Ikaw kaya itong panay ang sunod sa akin especially sa mga basketball games ko."
"Eh, sino pala unang nag confess ng feelings, huh?" Nag-iwas siya ng tingin at sumimsim sa inumin niya ngunit bakas ang nagbabadyang ngiti sa labi niya. Alam kong alam niya na hindi ko siya titigilan sa pang-aasar lalo na sa ganitong usapan. Ewan ko be pero ayaw niyang inasar ko siya patungkol sa pag-amin niya noon.
"Who confessed ba? Ikaw, Kuya?" Inilingan ko lang ang kapatid at sigurado na akong kuha na niya dahil laglag panga noyang tinitigan si Paolo na nagsisimula ng mamula. Ang mestizo niyang balat ay nagiging pula na, hindi ko alam kung dahil sa alak o kahihiyan.
Hindi ko tuloy maiwasan na alalahanin kung paano niya inamin sa akin ang nararamdaman. It was three days after kong ipakilala si Mary Rose kay Papa bilang girlfriend ko kuno. I didn't even know na malalaman ni Pao iyon dahil usapan namin ni Mary Rose na walang dapat makaalam na girlfriend ko siya but sad to say, the girl didn't kept her promise.
She was constantly texting and calling Pao na siya g ikinainis naman nitong isa. I still remember vividly kung ano ang mga sinabi ni Pao noon sa akin when he found out na I was the one who gave his number kay Mary Rose in exchange of her being my girlfriend!
"Hindi ko alam na ganiyan ka kababaw. You'll give someone else's number just to get a girl? I mean, ni hindi ko naisip na you'd get yourself a girlfriend at lalong hindi ko inisip na kapalit noon ay pagkakalat mo ng number ko without my consent." That's the exact words he sent to me years ago.
Sobrang gulong-gulo ako noon at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Papa was so happy na finally, nakilala na nila ang girlfriend ko and yet, my ultimate crush na naging friend ko ay iniwasan na lang ako bigla.
Liana tried her best para ma-reconnect niya ako kay Pao but then I got tired of chasing and I told my bestfriend na we should stop pursuing a man who doesn't even wants to be pursued. I mean, hindi ako bababa sa level na pati pagkatao ko ay aapakan ko para lang maibalik ang kung anong meron kami.
I started ignoring him. Kahit tuwing pumupunta ako kina Liana ay ginagawa ko ang lahat para lang hindi siya pansinin. Kahit na tigna ang bahay nila ay hindi ko ginagawa hanggang sa dumating sa point na halos hindi na ako makapunta kina Liana dahil palagi naman siyang wala.
Naalala ko na halos ilang linggo akong hindi nakakalabas at nakakapunta kina Liana dahil nalaman na nga nina Papa ang totoo. Nakalabas na lang ako ng maayos ay noong kausapin na ako ni Papa at ibinalitang tanggap na niya ako. That's how me and Pao started to reconnect again.
Nagulat na lang ako na pagkatapos naming magdiwang ni Liana ay nakatanggap ako ng mensahe from him. One word lang ngunit hanggang ngayon, dama ko pa ri ang emotions. It was a simple "sorry... iloveyou..." that turned my life into something magical.
Masayang-masaya ako nang mga panahong iyon dahil okay na ang lahat. Up until now, tuwing naiisip ko ang lahat ng iyon, parang gusto ko g balikat at maramdaman ulit kung gaano ako kasaya nang mga oraz na iyon. It was so pure, peaceful and solemn. Para akong nasa bahaghari na may iba't ibang kulay na nagbigay liwanag sa mundo kong napakadilim.
A simple sorry and I love you turned into a years of being in a relationship. "Seriously? Ikaw talaga, Pao?" Tanging tango at pagngiti lang ang ibinigay ni Pao sa kapatid kong hindi yata makakamove on sa nalaman.
Nagpatuloy ang inuman nila hanggang sa kusa ng sumuko si Kelly. Paolo wnated to go home ngunit alam din niya sa sarili niya na hindi na pwede. He's tipsy at delikado kung magmamaneho pa siya pauwi sa kanila kaya naman hawak kamay kaming naglakad paakyat sa hagdanan.
I immediately locked the door as soon as nakapasok na kami and we both k ow what we wanted. Hinayaan naming pangunahan ang damdamin namin at walang alinlangan na ipinadama kung gaano namin kamahal ang isa't isa.
"Kahit magsawa ka, uulit-ulitin ko sasabihin sa iyo na mahal kita, Ronaldo..." he whispered in between our aggressive and hot kisses.