"Kelly Guevarra! Will you stop crying and tell me what the f*ck is happening to you?" Sigaw ko. Parang praktisado ang mga kasama namin dito sa loob nang sabay-sabay silang nagsilingon sa akin. Sinenyasan ako ni Pao na lumabas muna kaya naman sinunod ko agad habang pinapakinggan ang hagulgol ng kapatid ko. "Kelly, tingin mo ba matutulungan kita kung ganiyan ka?" Dumiretso ako sa gilid ng cinema at isinandal ang sarili roon. Nakatayo lang si Pao sa harapan ko habang naghihintay at nakatitig sa akin. "Kuya..." hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot sa kapatid ko. Kagabi lang ay nangugulo pa siya at ang kulit tapos ngayon, ganito na ang ginagawa niya. Ni hindi makapagsalita ng maayos sa sobrang pag-iyak. "Kuya.." "The f*ck, Kelly! Umayos ka. Where are you ba at ng mapuntahan kita?"

