Chapter 2

1944 Words
▶Dashielle's POV Nagsimula na manginig ang buong katawan ko dahil sa takot. Kung kinaya ko yung limang lalake kanina, ito hindi ko makakaya. Isang Mafia group ang kakaharapin ko! Bumukas ang malaking gate saka kami naglakad papasok sa loob. Bawat hakbang ko ay kinakabahan talaga ako. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ng mansyon ay dumoble pa lalo ang kaba ko. Unti-unting bumukas ang pinto at bumungad samin ang sobrang luwang na sala. Maya-maya pa ay may dumating na matandang lalake. "Good evening, Boss!" Bati ng mga lalakeng naka black suit kaya napalunok ako. Shet, hindi ako makapaniwalang kaharap ko ngayon ang boss ng pinakakinatatakutan na Mafia sa buong mundo! "Where's my grandson?" Tanong niya sa mga lalakeng naka black suit. Pinakita naman nila ang lalakeng walang malay na nakahiga sa sofa. Tumindig ang balahibo ko ng mapatingin siya sakin. So, lolo niya pala 'to at bahagi rin siya ng mafia?! "Who's this girl?" Tanong niya at pansin kong masama ang tingin niya sakin kaya naman napalunok ako. Lumapit ang isang lalakeng naka black suit saka may binulong sa boss nila. Kung kanina ay masama ang tingin nito sa'kin, ngayon naman ay naging maamo ang mukha niya. Sinenyasan niya ako na maupo sa sofa kaya naman naupo agad ako. "So you're my son's girlfriend?" Tanong nito sakin at napakunot naman ang noo ko. "P-po?" "You don't need to hide it. What's your full name, hija?" Tanong nito sakin. "D-Dashielle Del Coza po." Kinakabahang sagot ko. Napatango naman siya saka biglang nag labas ng b***l. Bigla akong kinabahan at maya maya pa ay bigla siyang nagpaputok. "What the f**k was that?!" Napatingin ako sa lalakeng walang malay kanina. "Eros!" Tawag sa kanya ng lolo niya. Napatingin naman siya dito at mukhang inis na inis pa siya. "You didn't told me that you have a girlfriend." Nakangiting sabi ng lolo niya kaya napakunot naman ang noo ni Eros. "What are--" napatigil siya sa kanyang sasabihin nang makita niya ko. Sinamaan niya ko ng tingin saka lumingon sa matandang lalake. "She's not my girlfriend." Sabi niya na nagpakaba sa'kin at tiningnan niya ulit ako. Naramdaman ko na lang ang pagtutok ng mga b***l sakin mula sa mga lalakeng naka itim sa likod ko. Tiningnan ko si Eros at malapit na talaga kong maiyak dahil ano mang oras ay may babaon na bala sa ulo ko. "She's not my girlfriend yet. I'm still courting her." Sabi niya at naramdaman ko naman na binaba na nila ang mga b***l nila na nakatutok sa ulo ko kanina. "Gaano ka na katagal nililigawan ng apo ko, hija?" Tanong niya na nagpakaba sakin. Anong sasabihin kooo!? "Umm.. m-mag 2 y-years na po." Sagot ko at pilit na ngumiti. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. "2 years?! Eros, so your reason back then when you refuse to meet my business partner's daughter is because you're already courting Ms. Del Coza?" Gulat na tanong niya kay Eros "Yes." Sagot niya at nakita kong inirapan niya ko. "Bakit naman hindi mo sinabi agad sakin na may nililigawan ka na noon?" Binatukan niya ang apo niya at hindi sinasadyang natawa ako kaya napatingin siya sa'kin. He's glaring at me. "Lo, you're asking me too much. Ihahatid ko na siya." Tumayo na siya saka ako nilapitan at hinila palabas. "Eros! I want to know more my future daughter-in-law." Sabi ng matandang lalake kaya naman napahinto kami. "Her parents might be worried about her now, I told them that she will be coming home at 8 o'clock." Nagpatuloy na ulit kaming maglakad hanggang sa makalabas kami. Nang makalayo kami sa mansyon ay marahas niyang binitawan ang braso ko. "Dahan dahan naman!" Inis kong sabi sa kanya saka hinawakan ang braso kong nasaktan dahil sa ginawa niya. "Who the hell are you? Are you one of those girls who are f*****g in love in my handsome face? You also told my grandfather that you're my girlfriend. So pathetic!" Inis na sabi niya sakin kaya naman nainis din ako. "Who the hell is me? Well, I'm just the one who save you earlier mula sa mga bumugbog sayo. At saka wag na wag mo kong matawag na isa sa mga babaeng humahanga diyan pagmumukha mo! Hindi ko rin sinabi sa lolo mo na girlfriend mo ko for your information. Bwuset!" Inis na sabi ko sa kanya saka ko siya sinipa sa binti kaya naman napahawak siya dito. Buti nga! Nang makarating ako sa tapat ng gate ay kusa naman itong bumukas. Lumabas na ako at wala na akong planong bumalik pa sa lugar na 'to. Ito na sana ang una't huli naming pagkikita. Oo nga at gwapo siya at tinulungan niya kong makalusot sa kamatayan kanina pero tama bang tawagin niya kong pathetic?! Kaya ayoko sa mga lalakeng katulad niya eh, mukha lang maganda. Nang makalayo ako sa lugar na 'yon ay ngayon ko lang napagtanto na hindi ko nga pala kabisado ang lugar na 'to! Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala, siguro ay nahulog ko sa kung saan. Nakakainis naman! Pinilit kong maglakad kahit sobrang dilim. Maya maya pa ay nakarinig ako ng alulong kaya naman nangilabot ako. Takot pa naman ako sa multo, huhuhuhu. Habang naglalakad ay may kung anong dumapo sa paa ko at pagtingin ko ay isang palaka kaya naman napatalon ako sa gulat. "Nakakainis!" Sigaw ko sa sobrang inis saka nagpatuloy sa paglalakad. ▶Ajax's POV Curse that girl! Pumasok ako sa loob ng mansion namin na nakahawak sa binti ko. Lalapit na sana sa'kin ang isa sa mga tauhan namin nang sinamaan ko siya ng tingin. Tsk. Umupo ako sa sofa namin saka pinatong ang dalawang paa ko sa ibabaw ng lamesa. "Young master, naiwan po ng girlfriend niyo ang cellphone niya." Sabi sakin ng butler ko. Kinuha ko naman ang cellphone na inabot niya saka teka hindi ko girlfriend ang babaeng 'yon. Binuksan ko ang cellphone niya at nakitang wala itong password. How careless is she? What a dumb girl. May ilang messages siya kaya naman binasa ko iyon. Hindi sa chismoso, curious lang ako. From: Brea DAAAASSHHH!! HUMAYGHAD! NASAAN KANA?! HOY!! MAG REPLY KANG BRUHA KA, PINAG AALALA MO KO! KALA KO BA MAG C-CR KA LANG?! BAKIT HINDI KANA BUMALIK?! NILAMON KA NA NG BOWL, GHORL!? Napangiwi na lang ako dahil feeling ko ay nabingi ako dahil capslock ang lahat ng letters. Yung isa tanga tapos ito abnormal. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay tumawag itong nag ngangalang Brea. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag. [DASSSH! Buti sinagot mo na, nasaan kana ba?!] Sigaw nito kaya naman nilayo ko ng konti ang cellphone. Mas nakakabingi pala pagkausap ko na 'to. "Tell your idiot friend that she forgot her cellphone here." Sabi ko sa kanya at hindi naman ito nakapag salita agad. [Omyghad! Sino ka?! Anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Kidnapper ka noh?!] Sagot niya makalipas ang isang minutong katahimikan. Pinatay ko na ang tawag dahil masyado siyang maingay. Umakyat na ako sa kwarto ko dala ang cellphone niya. ▶Dashielle's POV Kakauwi ko lang sa bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si nanay na alalang-alala sakin. "Jusko kang bata ka! Saan ka ba nag pupupunta? Akala ko ay kung napa'no kana!" Nag aalalang sabi niya sakin. "Sorry po la, kasama ko naman po si Brea. May pinuntahan lang po kami." Pagsisinungaling ko. Baka pag sinabi kong galing ako sa mansion ng mga Del Virro ay lalo siyang mag alala or worst ay mahimatay pa. "Sa susunod ay wag ka nang uuwi ng dis-oras ng gabi. Sige na matutulog na ko, kumain kana diyan kung hindi ka pa kumakain. May ulam sa kusina." Sabi ni nanay at tumango naman ako. Pumunta ako sa kusina saka kumuha ng pagkain. Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung nangyari kanina. Feeling ko ay masyadong mabilis ang lahat. Sumagi sa isip ko bigla yung ginawa ko kay Eros. "Hala ang tanga ko naman!" Nasampal ko pa ang pisngi ko dahil apo nga pala siya ng mafia boss at sinipa ko lang siya sa tuhod?! Paano na lang kung magsumbong siya? At paano kung malaman ng lolo niya na nagsinungaling lang ako kanina?! "Ang tanga tanga mo Dash myghad!" Niligpit ko na ang pinagkainan ko saka mabilis na pumasok sa kwarto ko. Nagpalit muna ako ng damit saka napagpasyahang mahiga na. "Paano na lang kung yung cellphone ko ay naiwan ko pala mismo sa mansion nila? Hindi ko pa naman 'yon nilagyan ng password saka ang dami kong pictures doon!" Pagkausap ko sa sarili ko saka gumulong gulong sa kama. "Bakit ang tanga mo self?" •~•~•~• Umaga na pala, mukhang nakatulog ako habang kinakausap ang sarili ko kagabi. Naalala ko rin na sabado nga pala ngayon kaya maghapon na naman akong nakakulong dito sa kwarto ko. Wala rin akong cellphone, hays. Pumikit ulit ako at makakatulog na sana ako nang may bumusina sa labas. Sisilip sana ako pero naisip ko na baka sa kapitbahay 'yon dahil wala naman kaming kakilalang mayaman para bumisita sa'min. "Apo!" Napabangon lang ako dahil sa tawag sakin ni nanay mula sa ibaba. Agad akong bumaba para tingnan kung anong meron at nagulat na lang ako nang makita ko si Eros at ang lolo niya sa sala namin. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na may nanliligaw na pala sayo." Nakangiting asar sa'kin ni lola. Napatingin ako kay Eros, tingin na nagtatanong kung anong ginagawa nila dito pero tinitigan niya lang ako at nakita ko pang napakunot ang noo niya. Ah. Hindi pa pala ko nanunuklay. Nahihiyang bumalik ako sa kwarto ko saka nanuklay at tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin. Lumabas na ulit ako at hindi pinansin ang t shirt kong one piece at pajama na Hunter x Hunter. Proud to be otaku. Naabutan kong kausap ni nanay yung lolo ni Eros. Tumabi ako sa kanya at may bigla naman siyang inabot sa'kin, yung cellphone ko. Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung pinakielaman ba niya 'tong cellphone ko. "Hindi ko tiningnan yung picture mo nung bata ka, don't worry." Sinamaan ko siya ng tingin. Binuksan ko ang cellphone ko at isang katutak na messages mula kay Brea. Tinext ko naman siya na nakauwi ako ng maayos bago ko tinago ang cellphone ko. "So, what's your plan now?" Tanong niya sakin at tiningnan ko naman si nanay na masayang nakikipag usap. "Hindi ko alam." Walang ganang sagot ko dahil ang hirap ng sitwasyon namin ngayong may dumagdag pa sa nakakaalam tungkol sa kasinungalingan naming dalawa. Hindi ko rin naman pwedeng sabihin kay nanay dahil siguradong malulungkot siya, highschool pa lang ako ay gustong gusto na niya kong magka love life. Ewan ko ba. "Just tell them that you rejected me and everything will be solve." Napahinga na lang ako ng malalim. "Kung pwede lang eh tutal ang pangit din naman ng ugali mo." Wala sa wisyong sabi ko. "Yeah, ayoko rin sa tanga." Ilang segundo ang nakalipas bago ako tumingin sa kanya dahil ngayon lang nag process sa utak ko ang sinabi ko kanina at ang sinabi niya. "Ha!?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Sinamaan ko siya ng tingin at gano'n din siya sakin. "Sinong ta--" naputol ang sasabihin ko nang tawagin ako ng lolo ni Eros. "Dashielle, gusto mo bang makasama si Eros sa school? It is good for you two to get closer with each other bago i-announce ang engagement niyo." Tama ba yung narinig ko? Anong gustong makasama sa school? Saka anong engagement?! Lord, bakit ako nalagay sa sitwasyon na 'to? Pinagtitripan niyo po ba ko? ( ・ω・)☞ To Be Continued..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD