Nag-aagaw na ang dilim at liwanag nang marating nila ang bahay ni Gideon. Agad siyang umibis at malalaki ang hakbang na tinungo ang tarangkahan. Nag-doorbell siya. Tiningala niya ang nagliliwanag na bahay. Masyadong tahimik. May tao kaya sa loob? Pero bukas naman ang ilaw. Nakahinga siya nang maluwag nang bumukas ang main door. Lumabas si Tang at nang makita siya nito ay humangos na naglakad palapit sa kaniya. "Maam Laine! Sino ang kasama mo? Ikaw lang ba mag-isa ang nagpunta rito?" tanong nito habang pinagbubuksan siya ng gate. "May driver akong kasama, Mang Tang. Nasa kotse. Hindi ko na pinasunod. Nariyan si Gideon?" Minuwestra nitong sumunod siya. Agad siyang tumalima. "Nasa Oslob si Sir Manasseh, Maam." "But he said that he'll be home tonight." "Ganun ba? Siguro bumibiyahe pa 'yo

