"Angela," tawag ni Gideon. Umismid si Jewel at humalukipkip. Biglang nawala ang gutom niya. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay lumabas ng bahay. Hindi niya masikmurang kumain kasama ang babaeng kaharap niya. Umikhim siya. "Lalabas ako. I'm not hungry pala." Saka tumalikod at tinungo ang main door. Tahimik siyang lumabas ng pinto at nagtungo sa hardin na napansin niya kanina. Umihip na naman ang hangin at hinayaan niyang tangayin niyon ang mahabang hibla ng buhok niya. Presko ang hangin sa lugar. Hindi tulad sa lungsod na maalinsangan at maalikabok. Naupo siya sa lilim ng puno sa gitna ng hardin at napabuntong-hinga. Inalala niya si Gideon. Ang totoo niyan ay wala namang sinabi si Tang na first love nito si Angela. Ang sabi lang ng katiwala ay gusto ni Gideon si Angela noon. Pero sady

