Linggo. Kakatila pa lang ng ulan at puno pa ng hamog ang kakahuyan sa tapat ng College of Technology. Tahimik siyang naglalakad sa harapan ng Treesury-isang maliit na kakahuyang nagsisilbing entrada sa former SHS Department Area. Gusto niya sanang pumasok sa loob para bisitahin ang parte ng UDM kung saan siya nag-aral ng Senior High. Kaso nakita niyang nakasarado ang tarangkahan sa gitna ng maliit na kakahuyan. Dumiretso na lang siya sa tuwid at sementadong daanan pabalik sa dormitoryo. Pero ilang hakbang pa lang ay nahinto siya nang makita sina Tiara, Gabbi, at Hazel. Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo papunta sa gawi niya. Ang mas nakakagulat ay nasa likuran ng mga ito si Simoen. Hingal na huminto sa harap niya ang tatlong kaibigan. Bigla na lang siyang hinila ni Tiara sa gili

