PABLO'S POV
Hoyyyyyy! Pabloooooo! Gisinggg !Naaaaa! - mama the Alarm clock
Ahmmm!!!! Ang aga aga pa , bat ang ingay na naman ni mama ina antok Pa ako e , isang oras Pa please pakiusap ko sa kanya sabay kuha sa isa Ko pang unan na nahulog sa sahig
Ay bat basa na naman to.. inilapit ko sa muka ko yong unan at inamoy yong side na basa .
Taena amoy laway ko na naman! Na Pa eww face nalang ako..
Kahit matanda na ako tumutulo parin laway ko kapag natutulog.
Nakakahiya ka selp pano nalang kung may makakita sayo na tumutulo laway mo habang natutolog ka... Pangit na nga tayo may waterfalls Pa sa bibig. Na didisappoint talaga ako sa sarili ko
Babalik na sana ako sa pag tulog ng Biglang sumigaw na naman si mama kaya Napadilat uli ako.
PABLO! 8 AM NA OH, PUPUNTA KAPA SA SCHOOL DIBA??? - mama the megaphone
Napabilkwas ako bigla sa hinihigaan ko, f**k kailangan ko nga pala pumunta ng school para mag pa enroll
Muntik ko ng makalimutan taena , agad akong lumabas sa kwarto kahit alam kung meron Pa akong bakas ng waterfals sa bibig ko
Wala naman ako paki kahit makita Pa ako nila mama, besides kami lang naman ang nangdito sa bahay kaya okay Lang, in fact shirtless at naka boxer lang ako ngayon para akong pinipig na walang stick sa itim ng tuhod ko pero okay lang nasa lugar naman ako, where I am free to show my flaws.
No one will judge me here except my f*****g brother na feeling entitled kuno! Pogi Lang naman siya ,maputi, matangos ilong, matangkad and smarty while me, I'm just a mere pinipig guy who have no talents at all.
Pag ka baba ko, agad akong lumapit sa mesa para mag amusal then after nag toothbrush, naligo at nag bihis
Sa totoo lang, sa pag bihis at pag aayos ng sarili lang talaga ako na tatagalan.
Kasi pag kumain ako madali lang, tatlong subo solved na ako. Sa ligo naman, tatlong tabo ng tubig tapos sabon at shampo agad then banlaw, tapos !
Pero sa pag aayos ng sarili natatagalan talaga ako. Kakapili ng damit at kaka ayos ng buhok hoping that my looks will improve a bit kahit alam kong walang good effects kung hindi puro side effect lang which is masheket.
Umaasa Pa kasi ako eh,
Lam mo yon wala naman daw masama umasa pero ang sheket lang men knowing na walang mag babago kahit anong sootin o kahit anong ayos kopa sa buhok ko kahit ipa mahawk kopa nothing will change.
Nakakaingit lang isipin na yong iba kahit simple or plain t-shirts at shorts lang sootin they will look good and stunning na, while me trying hard for nothing.
Yong mga gwapo at magaganda diyan you will never and ever understand my side unless pumangit ka at maranasan mo yong mga paghihirap ng katulad ko na pinag kaitan ng ka gwapohan.
Mala snow white kasi ako nong bumohos ng kagwapohan, ang sarap nang tulog ko kaya ayon ganitong itsura nakuha ko. Pero ok na din kasi tae nga may itsura ako pa.
Hayy ! Napabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko .. I should stop it , masisira lang araw ko kapag ipinag patuloy kopa kakasip kung gaano ako kapangit.
Naka white polo pala ako with matching black necktie , black slocks and shoes tapos eye glasses kasi medyo malabo na mata ko kaka cellphone at kaka computer ko.
After ko magdamit at ayusin sarili ko kinuha kona agad ang backpack na nasa kama ko then bumaba na para mag palam.
Btw I forgot yong mama ko pala is lola ko rin I used to call her Mama cause since birth siya na nag alaga sakin.
Diba nga kai, my real mother abandoned us kaya siya nalang tinawag kong mama. She's a Professional teacher nag tuturo siya sa school na dating pinapasukan ko.
Ma Alis na ako
Sige Pablo, may baon kana ba ? -mama
Ma naman I told you a hundred times, stop calling me like that. Naiinis Kong sambit sa kanya
E ano naman? Pablo naman kasi pangalan mo ano masama don? -mama
Malaswa nga pakinggan ma sabay kamot sa ulo dahil sa inis
Na patawa nalang si mama sa sinabi ko at pumunta ng kusina para asikasuhin yong niluluto niya.
Ilang beses ko nang sinabihan si mama na wag na ako tawagin ng Pablo e pero di nakikinig...
Hindi ko alam bat ba Patrick Pablo Gonzales 3rd ipinangalan sakin taena men sa dami dami ng pwedi ipangalan yon pa talaga na isipan ipangalan sakin. Ang laswa na nga ng mukha ko tunog tae Pa pangalan ko. Nakakainis !
Bigla akong na patingin sa relo ko at shockssss 8:40 taena malilate na ako sa enrollment sched ko.
MA alis na ako patakbong sigaw ko kay mama
Sige Ingat Pablo sa daan -mama
Si mama talaga di nakikinig sabi na wag na akong tawagin pablo e
Opo tugon ko sakanya
Huminto muna ako sa pagtakbo at Kinuha sa bag yong earphone ko at ipinaslak sa luma kong cp
Pagkatapos ay muling tumakbo para mabilis makapunta sa waiting shed at mag hintay ng masasakyan
Honestly, i prefered to listen music while walking or waiting for something, feeling ko kasi ako lang yong tao sa mundo pag nakikinig ako ng music e.
TOOOOOT! TOOOTTTT! Ay tang ena naman men napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat ang lakas naman ng bosina ng bus na to mas malakas pa kesa sa music ko.
Maraming taong gustong sumakay sa bus kaya pina una ko na muna sila ayoko naman ipagsisikan yong sarili ko kaya ko naman tumayo pag wala nang upuan.
Nong unti nalang sumonod na ako baka ma iwan pa.. Ilang minuto din ang byahe mga more than 50 minutes siguro nong nakarating ako sa school. Medyo malayo kasi bago kong school sa bahay namin kaya ganon katagal ako bago makadating dito.
Pagkababa ko ng bu, nagulat ako hindi dahil sa school kung hindi dahil sa nang lilimos na bata
Oy Pogi pahingi lima sambit niya habang nag sa sign ng limang piso gamit yung kamay niya
Tangina tinawag Pa akong pogi men napakasarap sa ears haha .. Kumuha ako ng sampung piso sa bulsa ko at ibinigay ito sa kanya
O ito sampung piso,, Kong di molang ako tinawag na pogi di kita bibigyan e sabi ko sakanya with smiling face
Pag kakuha niya ng sampu tumakbo agad siya papalayo sakin. Papasok na sana ako sa gate ng biglang..
Oy oto-oto dika Pogi! Pangit ka! Haha- batang pasaway
Dahan dahan akong napatingin ng masama sa kung saan nakatayo yong bata.. Nakahawak Pa ito sa tiyan niya habang tumatawa
Tangina men kumulo dugo ko binigyan na nga, ininsulto Pa ako.. Lalapitan kona sana ng biglang kumaripas ng takobo yong batang pasaway
Nakakainis dapat diko na binigyan, nabudolbudol g**g ako ng batang yon sinabihan lang ako ng pogi bumigay agad ako huhu.
Napaka rupok ko men 100 na ngalang baon ko, ngayon 90 pesos nalang .
Napayuko nalang ako at na pabuntong hininga habang papasok ng gate.
Pag ka pasok na pagkapasok ko e nalula ako sa sa lawak at laki ng mga building dito men. Napakaganda dito I swear lahat ng kulay ng building ay maroon tapos may sky blue din.
Pero yong naka agaw talaga ng atensiyon ko e yong malaking building na nasa gitna ito yung napapagitnaan Ng ibang building kulay maroon at ang taas nito meron ding statue ng lalaki sa gitna na may hawak na parang bone fire kulay gold ito tapos napapalibutang ng tubig at bulaklak yong gilid niya
Napa sana oll nalang ako ! shocks kung hindi dahil sa scholarship na nakuha ko sa online di ako makaka apak dito. Sinubukan ko kasi mag apply ng mga scholarship online, at ayon maswerting napili.
Kung di dahil don di ako makakapasok dito sa school nato napaka totyal men tapos ang mga estudyante dito parang di nasisinagan ng araw ang puputi ako lang ata yong hindi.. parang pag lumapit ako men sa kanila combination na ng gatas at kape. Nakaka hiya men pramis
Kailangan ko talagang e maintain grades ko kahit bubu ako para sa kinabukasn go lang...
Pagkatapos ko mamangha at mag mukang taga probinsiya e napag pasyahan kong hanapin kong saan yong building ng pag pa enroll..
Sa totoo lang natagalan ako kakahanap dahil sa laki at lawak nitong school, isang bayan ata to men..
300 years later. ..
ayon nakita ko din, salamat sa napag tanongan kong babae kanina feeling ko kasi nawawala na ako
Lumapit ako sa registrar at humingi ng form. Ibinigay niya naman agad sakin yong form
Pagka kuha ko humanap ako ng maayos na pwesto para makapag sulat ..
Name : Patrick Pablo Gonzalez 3rd
Age:19
Phone #:09958772***
....
....
....
Napaka dami naman nito nakakatamad Pa namang mag sulat, I swear..
Nong natapos na ako mag fill out ay agad kong kinuha mga requirements ko sa bag at ibinigay sa registrar.
Pinag hintay pa nila ako ng ilang oras kasi ibibigay daw nila sched at section ko kaya bumalik ako sa inupuan ko kanina
Mga ilang minuto din akong nag intay ng biglang may humintong sasakyan sa labas ng registrar kaya napa tingin ako kung sino.
Makikita mo kasi sa loob ng registrar kung sino young paparating kasi naka glass door lang ito.
Biglang may lumabas na gwapong lalaki base sa itsura niya at height parang nasa same age lang kami, maputi ito , naka ash gray blond hair ,matangos ang ilong naka white an black polo and white v t-shirt at punit punit na black jeans at rubber shoes
Umikot ito papuntang likod ng sasakyan para buksan yong isang Pinto at lumabas naman don yong isang babae, same age lang din siguro mga 1 year older ako sa kanya
Maputi ito, matangos ang ilong
Hindi siya matangkad,
Hindi rin gasul in short pandak
Sakto lang ang height niya,
Matangkad lang ako ng very very slight, naka floral dress ito na hanggang tuhod lang at naka doll shoes.
Napa nganga ako at napa Sanaoil. Grabi men ang ganda niya naman at bagay sila nong kasama niya
Habang nakalutang ako kakatingin sa kanila biglang tinawag pangalan ko buti nalang First name ko yong ginamit sa pagtawag sakin kong hindi na Pablo zone na naman ako tulad ng dati sobrang nakakahiya para akong sina unang tao sa mundo 21St century na tapos pangalan ko napapag iwanan parin.
Lumapit agad ako sa counter at kinuha yong sched at section pero instead na lumabas ay pumunta ako ng comfort room kasi papasok na yong bumaba kanina sa kotse nakakahiya makipag sabayan sa daan
After non lumabas na ako ng comfort room and then nag lakad papuntang gate para maghintay ng masasakyan pauwi
Nong nasalabas na ako e, bigla akong napatingin sa taas ng gate
WECLCOME TO BRENT ACADEMY
Na pa enhale and exhale ako sa mga na iisip kong mga posibilidad na mang yayari sakin dito
Sana maganda naman wag puro pasakit yong haharapin ko dito. Sawang sawa na ako, don't paman sa dati kong school. Gusto ko mag karoon ng tahimik na buhay
So Brent Academy please be good to me sabi ko sa sarili ko.. I hope from now on, things will be good to me
Pag katapos kong sabihin yon sakto namang dumating yong jeep na sasakyan ko pauwi kaya sumakay na agad ako.
Good luck selp! Payting!
TO BE CONTINUED
MGA KABOLBOL.....
@jumanji08