Maaga akong nagising ngayong araw dahil balak kong pumunta ng bayan para bumili ng mga gamit na gagamitin ko sa 1St day of school tulad ng bag, notebooks, ballpen at iba
Bago ako umalis e kumain mona ako at syempre naligo ayoko namang pumunta don na amoy sibuyas at laway pa then pag katapos ng mga kailangang gawing ritual ay nag palam na kami kay mama para umalis na
Kasama ko pala yong kapatid ko ngayon papuntang bayan kasi mamili din siya ng gamit niya para bukas
Pero plano kong humiwalay sa kanya pag dating namin don kasi feeling ko di niya ako kapatid parang alalay niya lang ako
Ilang oras din ang byahe papuntang bayan medyo malayo kasi sa bahay namin pero isang sakayan lang naman kaya di hassle
Pagkadating namin don e maraming tao malamang bayan e.
Tinanong ko young kapatid ko kung anong bibilhin niya at saan siya bibili
Oy ! ano bibilhin mo at San ka bibili ? Tanong ko sakanya
Note book lang , don ako bibili sa paperwold, baka may makapal silang notebook don, Ano nga pala tawag don? Tugon niya habang dini demo kung gaano kakapal ang notebook na tinutokoy niya
Binder ata yon, bakit yon? Isang note book lang ba bibilhin mo? Nagtatakang tanong ko
Oo tiyaka isang ballpen walang ganang sagot niya habang tumitingin sa mga building
Taena talaga to, feeling ko dito pumapasok e, isang notebook at ballpen lang dala sa school wala ng iba.. di nga bumibili ng bag dinadala niya lang note book niya papuntang school
Ok , sige tanga bumili kana at bibili narin ako ng gamit ko sambit ko sakanya at tumalikod na
K. K. K. Ingat sila sayo bobo pang aasar niya habang tumatawa
Diko na pinansin at nag lakad nalang palayo baka kasi pag pinansin kopa e, dito pa kami mag ka pikonan sa bayan nakakahiya naman..
Pero minsan nakakanis lang talaga kasi palagi ako yong talo at naasar sakanya.
Hindi din kami mag kasundo sa lahat ng bagay except pag tungkol sa mamala namin pero kung about sa ibang bagay walang pag asang mag kasundo kami, rambulan agad men...
Pero tulad nga ng sabi ko dati wala akong sama ng loob don sa TANGANG yon kasi asaran lang naman namin yon e. Sabi nga nila ang maasar talo..
Binilisan ko na ang pag lalakad ng makalayo na sa tanga kong kapatid at tiyaka mainit rin ayoko masayang Gluta ko ng dahil lang sa init men hahah ...legit #Glutauserhere kahit wala namang effect sakin sa tingin ko nga isang track na gluta yong na gamit ko pero la effect men Pinipig parin tayo mga zir ... Pero di naman masama mag try diba? trinatry ko parin kahit masakit na kakahintay kong kailan ako puputi!
Papunta pala ako ngayon sa SM..dito kasi ako namimili ng mga gamit ko kahit medyo may kamahalan sulit naman kasi matitibay mga gamit dito di tulad sa kabila isang hampas molang wasak na halatang made in China where you can eat paniki for free
Pumasok na ako sa mall at nag hintay ng elevator kasi ayoko ma hassle tong kapogian ko kaka akyat sa hagdan nasa fourth floor kasi mga school supplies nila
DING! (tunog ng elevator pag tiyagaan mo na sound effect ko men yan lang afford ng budget ko ngayon)
Pag kabukas na pag kabukas ay agad na akong pumasok.. Sa totoo Lang nasusuka ako pag sumasakay ako neto para kasing na iiwan bituka ko patas kaya ayoko mag elevator pero tinitiis konalang kesa naman maghagdan ako diba, 4th floor kaya pupuntahan ko.
Pag kalabas ko ng elevator, bumungad sakin yong napakaraming tao na namimili ng mga school supplies puro ka age kolang yong iba
Kinuha ko na agad yong listahan ng bibilhin ko. At agad na linibot boong paligid para hanapin ang mga iyon.. Mga ilang oras din tiyaka ako huminto para tignan ang listahan ko kung nabili ko naba lahat
√ Ballpen
√ Bag
√ Notebook
√ Paper
√ Pencil
√ Drawing book
√ Eraser
√ Erasure tape
√ Color pencil
√ Oil pastel
√ Scissor
Water bottle
Isa nalang pala yong kulang ko, saan kaya banda nila nilalagay water bottle nila dito ..Dahil na hihirapn na ako kaka lagad at kakahanap e napagpasyahan ko nalang na mag tanong para mabilis kong makita hinahanap ko sakto naman at may malapit na stuff
Miss pwedi ba mag tanong, saan nakalagay mga water bottle dito? Tanong ko sa kanya
Excuse me? Gulat at nag tataka niyang tanong
Saan nakalagay mga water bottle dito? Ulit kong tanong sa kanya
Muka ba akong stuff dito at sakin ka nag tatanong? Galit na wika niya
Taena men nakaka hiya.. Akala ko kasi stuff siya dito yong soot niya kasi parang same sa mga stuff dito. .nakakahiya. ..
Ay sorry po, akala ko lang kasi pag papaumanhin sabay yuko
Inirapan niya lang ako sabay bulong
"Ako Pa pinag kamalang stuff e mas muka naman siya kargador dito " pabulong na sabi niya pero sapat na iyon para marinig ko
Ang sakit lang pre diko naman sinasadya e ganto naba ako kapangit para laitin ng ganon.. Napasimangot at niyoko ko nalang ang ulo ko. Lalabas na sana ako sa mall kasi na walan na ako ng ganang mamili ng gamit.
Ng biglang may nabangga ako.. Tangina napaka swerte ko naman talaga oo
Natapon lahat ng gamit na pinamili ko dahil napahawak ako bigla sa ulo ko ..
Ang saket! Sobra, parang tumama yong bunbunan ko sa matigas na bagay.
Napatingin naman ako sa nabangga ko. Kaya pala ang tigas men Lalaki pala to. Enpeyrnes gwapings at ang puti niya guys, same height lang ata kami nito, mukang yayamanin yong itsura niya parang hindi rin nasisinagan ng araw .
Ahem! Patikhim niya
Dahilan para mailimpungatan ako sa katititig sa kanya, tiyaka kolang din napansin na basa yong damit niya dahil natapon pala yong milktea na ini inom niya, pati rin pala yong Cp a hawak hawak niya e natapon din sa sahig
I'm Sorry, sorry paulit ulit kong paghingi nang tawad sa kaniya habang pinamumulot yong mga natapon kong gamit pati narin yong cp niya na natapon sa sahig, juice ko lord buti na ngalang at di nasira muka pa namang mamahalin.
Nakatayo lang siya sa harapan ko kayat sapatos niya lang ang nakikita ko, habang ako naman ay busy sa pamumulot ng mga natapong gamit.
Sorry diko talaga sinasadya, patawad bibilhan nalang kita ng damit dito para makapag palit ka seryosong wika ko habang inaabot yong cellphone niya sa kanya.
No Thanks I'm okay, pauwi na naman ako, but next time make sure na tumingin ka sa dinadaanan mo ok? malumanay niyang wika
O.. O .Oo sige so.ry talaga utal utal na tugon ko ..
Sige, I'll go now wika niya
Tumango nalang ako bilang tugon sakanya.
Hinintay ko muna siyang maka alis bago ako lumabas ng mall.
Tangine men nakakahiya, grabi para akong nasa impyerono
Sobrang init ng katawan ko dahil sa kaba buti nalang mabait yong taong yon
Ano kaya pangalan nong taong yon, nakakahiyang magtanong kasi men, nabasa kolang naman yong damit at natapon pa yong cp niya diba, so sino hindi mahihiya don.
FAk ang malas ko talaga napasabonot nalang ako sa buhok ko
Taena! isa Pa yong kapatid ko asan na ba yon kasi.. Teka ma tawagan nga yong gongong nayon
Krinng! Kringgg!
Hello !nasan ka tapos na ako mamili. Andito na ako salabas ng sm uwi na tayo.. Pa galit na wika ko sa kanya
Bobo di na ako bata mauna kanang umuwi may bibilhin pa ako
Tootottoot! Tooootot
Woy! Tek.. a
Taenang yon pinatayan lang ako ng phone.. Mamaya kalang susumbagin kita ng mala pakyaw kong kamao Hahah (evil laugh)
After non e napagdisisyonan ko nalang na umuwi para makapag pahinga
Naka busangot pa nga akong nakauwi sa bahay.. Walang ganang kumain kayat umakyat nalang ako at natulog.. Sa nangyaring yon sinong tangang magkakaroon ng ganang kumain. Nakakahiya bwesit!
Gigising nalang ako mamaya pag nagutom ako.
TO BE CONTINUED
MGA KABOLBOL.....
@jumanji08