Chapter 27: Elder’s Domain 2 and Dream

1523 Words

SKY Wala akong narinig na ibang ingay maliban sa daing ni Maxz na nasasaktan. Lahat sila nakatingin lang sa akin pero ang Mom ko ang unang nakapagsalita. “Nagagawa mo na iyon? ‘Di ba… ‘di ba hindi ka naman nag-eensayo?” kunot-noong tanong ni Mom. “Ha?” Doon ako natauhan sa ginawa ko. “Ah... Eh..” “Nadala po siya ng galit niya. Alam ninyo na, hormone, ang bilis magalit kaya hindi kontrolado ang galaw ng katawan.” Nakahinga ako nang maluwag ng sinagot iyon ni Laxy. Mabuti na lang napagtakpan ako ni Laxy pero si Maxz? Ayon, nakangisi pa. Bwesit siya! Tumango na lang sila. Humarap ako kay Laxy at hinalikan siya sa pisngi bilang pasasalamat ko. Ngumiti naman siya bago ako hinalikan at niyakap. Si Maxz ay lumapit sa amin at tumabi sa akin. Yumakap siya sa braso ko. “Naglalambing ang tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD