LAXY Boring... Iyan ngayon ang nararamdaman ko. Gusto ko na lang umuwi sa bahay upang makasama si Sky. Kinakabahan din ako na ngayon ko lang talaga naramdaman. Tahimik din si Ly na parang nararamdaman din ang kaba ko. Nakakapanibago kasi madaldal si Ly, hindi palagi nauubusan ng pag-uusapan. Pero ngayon, ang tahimik. Si Sky lang ang nasa isip ko ngayon. Wala akong pakialam sa meeting na ito. Gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko na siyang mayakap at makulong sa mga bisig ko. Gusto kong maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nya. Gusto ko ng amoyin ang kakaibang amoy niya na nakakaadik. Gusto ko ng... Nagising ako sa pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Number lang ni Sky ang tumutunog lalo na kapag emergency kasi naka-set talaga iyon. Kinabahan ako lalo dahil hindi iyon tat

