SKY “I love you, Love… and I'm sorry.” ‘Yan ang paulit-ulit kong naririnig at parang boses siya ni Laxy. Pero, imposibleng sabihin niya ’yon sa akin at baka panaginip lang din. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Wala ng masakit sa katawan ko. Ilang oras ba akong tulog at parang ang lakas-lakas ko na? My eyesight was still blurry so I didn't know where I was. But my sense of smell and hearing could tell me that I'm in a garden with flowing water. With the smell of green grass, trees, different kinds of flowers and fresh air, gave a peaceful vibe. Kinusot ko na ang mata ko para makita ko ng maayos ang paligid ko. Sa pagdilat ko ay napagtanto kong tama nga ang hinala ko. May fall and river sa gilid, a forest that bears fruits on, and the sound of different animals. Ang ganda rin n

