SKY Alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid pero hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko. Pangtatlong araw ko na rito at ramdam kong naging isa na rin ang katawan ko at kaluluwa. Nahihirapan ako pagsamahin o pumasok ulit kasi wala ng natirang mana sa katawan ko habang puno naman ang soul ko. Kailangan kong solusyonan ito upang tuluyan akong magising. Ang paraang naisip ko na lang ay pasahan ang katawan ko para mapagsama ko lang ito. Isa rin ito sa itinuro sa akin ni Tita Clara, at alam ko na ang dahilan kung bakit. Kaunti na lang ay puwede ko ng pagalawin ang katawan ko. “Love, gumising ka na. Alam ko naririnig mo ako kasi bumabalik na ang bond natin. Hindi na ako makapaghintay na makita ang iyong mga mata. Gusto kong makitakang malusog na,” sabi ni Laxy at naramdaman ko ang paghali

