SKY “Love,” I called Laxy the moment I opened my eyes. Wala na kasi siya sa tabi ko na alam ko namang katabi ko siya noong natulog ako. “Nandito ako sa baba, Love. Inaayos ko ang hapunan mo. Just wait for me. Aakyat din ako pagkatapos ko nito.” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko siya sa aking isipan. I thought she left me again. Pinilit kong umupo sa kama at sumandal ako sa headboard. Medyo masakit na naman kasi ang tiyan ko. Napangiwi pa ako sa bawat galaw ko. Iyon ang tagpong naabutan ni Laxy. Agad-agad niyang nilapag sa mesang naroon ang kaniyang dalang pagkain at tinulungan akong makasandal ng maayos. “Saan ang masakit, Love?” tanong niya kaagad. “Ang tIyan ko. Hindi ko maipaliwanag pero masakit.” Napangiwi pa ako dahil sumakit na naman. Hinawakan niya ang aking tiya

