SKY “Love, nasaan ang mga bata?” tanong ko kay Laxy nang makita ko siya sa loob ng silid namin. Kanina ko pa hinahanap ang tatlo ngunit hindi ko mahanap ni isa sa kanila kahit nilibot ko na ang buong bahay. Mabilis na rin akong maglakad kaya nakakaya ko ng lumibot kahit walang kasama. Ang therapy at mag-eensayo ko ng kusa ay nagbunga talaga ng mabuti sa aking kalusugan. Bumalik na sa rati ang binti ko, ngunit susubukan ko pa ito next week kung kaya ng lumaban. “Pinadala ko na muna sa kanila Mom at Dada ang mga bata,” sabi niya na kinabinga ko ng maluwag. Lumabas agad siya sa banyo na may dalang mga ilang gamit at nilagay ito sa bag na kaniyang hinanda. “Ano ang ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya bago ako pumasok. Naisipan kong maligo na lang muna kaya tuloy na ako sa banyo. “Maligo

