Chapter 29: Mother’s Instinct

2397 Words

SKY “Kinakabahan ka?” tanong sa akin ni Laxy. Papunta kasi kami ngayon sa bahay upang makausap si Mommy.  Kasama namin si Dada at si Maxz. Alam ni Mom Sarah na pupunta kami pero hindi alam ni Mommy. Natatakot kasi ako kaniya. Kaya kailangan ko talaga sila kasi parang hindi ko kayang harapin ng mag-isa ang Mommy ko.  “Oo. Pero kaya ko ‘to. Nandiyan ka lang naman, ‘di ba?” Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa noo. Hindi talaga siya palasalita lalo na kung maraming tao, mas mararamdaman mo ang pagmamahal niya sa kilos niya.  Nakaupo pa kami rito sa sala kasi hinihintay pa namin si Dada Fara. May pinuntahan at may kinuha raw muna ito sa opisina na pag-uusapan nila ng Mom ko. Samantala si Maxz ay nakaupo sa tapat namin at naglalaro o may business sa cellphone niya.  Lumaki na rin ang tiya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD