CHAPTER 25 Third Person POV Nagising si Keira isang umaga na puno ng galit at kawalang pag-asa. Sa kanyang isipan, naglalaro ang ideya na kung hindi niya kayang sirain si Heaven sa reputasyon nito, sisiguraduhin niyang hindi na ito kailanman magiging bahagi ng buhay ni Dayrit. Sa isang madilim na bahagi ng kanyang isip, nabuo ang isang plano na hindi niya kailanman inakalang kakayanin niyang isagawa. Tinawagan niya ang isa sa mga tauhan ng kanilang pamilya, si Raul, isang lalaking kilala sa pagiging tahimik pero mapanganib. "Raul, kailangan kita," sabi ni Keira sa malamig na tinig. "Anong kailangan niyo, Ma’am?" sagot ni Raul sa kabilang linya, walang bahid ng emosyon sa boses. "Gusto kong mawala ang isang tao sa buhay ko. At alam kong ikaw ang makakagawa nito." Tahimik si Raul, ngu

