Alex Ngayon na ang araw na sobrang pinaghahandaan at pinakahihintay niya. Ilang oras na lang ay makikita at makakasama na niya si Brandon. Magkahalong saya, takot at kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. Alam niyang napaka-risky nang gagawin niya dahil hindi naman siya one hundred percent sure sa magiging sagot nito. Natatakot at kinakabahan man ay hindi na siya pwedeng umatras pa sa gagawin niya. "Babe, sorry I missed my flight," malungkot na sabi niya pagkasagot nito sa tawag niya. "What happened, Babe?" nag-aalalang tanong nito at humingi siya ng malalim. "I'm really sorry nagkaroon kasi ng aksidente sa kalye nang papunta na ako dito sa airport. I tried to re-book my flight but they say it's impossible because there's no available right now. The earliest flight I can ge

