Alex "Kung may sasabihin ka sabihin mo na." Sabi ni Ate Sandra at natigilan siya. Napatingin siya dito at sa Lola niya na nakatingin din pala sa kanya. Napansin siguro nito na kanina pa siya sumusulyap dito. Humahanap kasi siya ng magandang timing para kausapin ito pero mukhang abala ito sa ginawa nito. Uminom muna siya ng tubig saka huminga ng malalim. "Ate Sandra," alanganing tawag niya dito. "Hmmm." tugon nito habang nakatingin ito sa tablet nito na nakapatong sa lamesa. Ngayon na niya balak na sabihin sa mga ito ang plano niya. Kahapon sana niya ito kakausapin kaso may pinuntahan ito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito pero desidido na siya na ituloy 'yon kahit na tumutol pa ang mga ito. Nasa tamang edad na siya para gumawa ng sarili niyang desisyon. Gu

