Chapter 16 - Acting weird

1796 Words

Alex Marami nang tao pagdating nila sa hotel kung saan gaganapin ang Annual Tourism Ad Conference. Isa itong event kung saan may mga piling Ad Agency na kailangan mag-present ng kanilang Ad sa mga napiling lugar dito sa Pilipinas. Isa itong proyekto ng DENR at DOT para ipakita ang gandang taglay ng mga tourist spot sa Pilipinas. Nasa isang floor lang ang kwarto nilang tatlo, magkatabi ang kwarto ng dalawa samantalang sa may bandang dulo ang kanya. Dumiretso muna sila sa registration booth at binigyan sila ng booklet para sa magiging program sa loob ng dalawang araw. Pumunta na sila sa mga kwarto nila para makapagpahinga ng ilang oras at maghanda para sa isang pagtitipon mamayang tanghalian. Pagkapasok sa kwarto ay nilagay niya ang maleta sa ibabaw ng kama para ihanda ang susuotin niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD