Alex's POV Naging sobrang masaya ang nagdaang bagong taon para sa kanya. Nagulat ang mga kapatid ko at mga pamangkin ng pag-uwi ko ay may dala akong regalo. Binanggit ko sa mga ito na galing ang mga 'yon kay Brandon. Hindi niya alam kung paano nito naisip ang bagay na 'yon pero sobrang na-touch siya. Hindi rin biro ang binigay nitong regalo. Mamahalin at branded na bag para sa dalawa niyang ate, relo naman sa kuya Ed niya at cellphone para sa lola niya na tuwang-tuwa. Wala naman silang nasabi iba po kung hindi salamat na pina-abot ko naman sa binata. Naisip ko na lang na mag-video call kami habang sinasalubong ang bagong taon. Pinakilala ko muna si Brandon sa pamilya ko through videocall at ganoon din ang ginawa nito. Nakilala ko ang stepmother nito at ang father nito. Nawala ang kaba ko

