Alex Ramdam na talaga ang kapuskahan kahit saan ka magpunta. Kahit saan kasi ay makikita ang makukulay na ilaw at mga dekorasyon. May mga sandali na natitigilan siya at nakakaramdam ng lungkot. Kung tutuusin wala namang pinagkaiba ngayon at ng mga lumipas na taon. Every Christmas it's either kasama niya ang mga kaibigan niya or umuuwi sila sa probinsya kasama ang lola nila. Pagdating naman ng New Year ay magkakasama silang magkakapatid para mag-celebrate. Minsan naisip niya paano kaya kung magkasama pa sila ni Brandon hanggang ngayon malaki siguro ang pagkakaiba. Pasalamat na lang at naging abala siya sa pamimili ng mga regalo para sa mga bata sa ampunan kaya kahit paano ay nalilibang siya. Mas madalas niyang kasama ang Bestfriend niya kaysa kay Vince. May mga pagkakataon na hindi siya na

