Keith Brillantes P.O.V. Di-nial ko ang number ni Ivan. "Hello," padabog niyang sagot. "Ivan, Help me. Tulungan mo ako," gumaralgal ang boses ko habang nagmamakaawa sa kaniya. Nadinig ko ang pagbuntong hinga niya sa kabilang linya. "Ano bang nangyari?" tanong niya. Nawawalan na ng pasensya. "Ivan, ang sakit sakit ng tiyan ko. Hindi ako makatayo. Walang ibang tutulong sa akin," suminghot-singhot pa ako para akalain niya na umiiyak talaga ako. "Hintayin mo ako," narinig ko pa ang pagmamadali niya sa kabilang linya. Mukhang kunagat talaga siya sa ginawa kong pag acting. Sorry Ivan and Patricia I need to do this kung hindi ako ang malalagot kay James. Baka ang Mama ko pa ang malagot at hindi ko iyon kakayanin. Tama ng basa. Nag-acting lang ako na sumasakit ang tiyan ko at kunwaring umii

