Patricia Schnittka Dorshner P.O.V. "Bumalik kana kaya sa inyo?" tanong ni Thea habang nanonood kami ng sponge bob. "Bakit naman?" kunot noong tanong ko. Ayaw na ba niya sa akin dito? "Para maayos niyo na ang problema niyong mag-asawa," she said it cooly. Walang halong pamimilit. "Wala naman kaming problema," sabay subo ko ng mangga. "Wala raw problema?" "Alam mo harapin mo kasi ang problema. Huwag mong takasan," bigla naman akong napatigil sa pagsubo dahil sa sinabi niya. She really got the point. "Pero Thea natatakot ako," pag sumbong ko. "Matatag ka 'diba?" tumango naman ako. "'Yun naman pala eh. Kaya harapin mo ang mga problema," umusod siya ng kaunti. "Sabihin mo ang nararamdaman mo kay Ivan. Eh, ano ngayon kung makikinig siya o hindi. At least nasabi mo sa kaniya ang nararamda

