Chapter 2: He's handsome

1018 Words
Patricia Schnittka Dorschner's P.O.V. "It can't be," naiiyak na saad ni Thea. "Anong It can't be?" nalilitong tanong ko naman. "I love Cedric more than my life," lumapit sya sa akin at lumuhod. "Please Pat don't tell me that you want Cedric too," napapaos na sambit niya. Tumingin ako sa kaniya ng may pagtataka. "What are you talking about?" tanong ko at itinayo siya. "Hindi ko gusto si Cedric." Napagbuntong hininga naman si Thea. "Akala ko may gusto ka kay Loves ko," saad niya at tumingin sa akin. "Eh anong ibig sabihin nung pagseselos mo sa amin ni Cedric?" takang tanong niya at tila ba nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib. Masaya sa nalaman na hindi naman pala tama ang konklusyon niya. "Nagseselos ako kasi maayos ang relasyon nuyo ni Cedric samantalang ako arranged marriage. Hindi masaya. Napaka playboy pa ng asawa ko. Wala pang pakialam sa akin," lumungkot ang itsura ko ng sabihin ko iyon. "Someday. You will find the right man for you Pat," and then Thea tap my shoulder. "Look at me I think I found the perfect man for me and it's Cedric." "Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" biglang sulpot naman ni Cedric. Para talagang mushroom ito minsan. "Siguro pinag-aawayan niyo na ako 'no?" ang yabang talaga nitong lalaking ito. Ang kapal kapal. Pinektusan naman sjya ni Thea. "At gustong-gusto mo naman?" "Hindi 'no," sagot naman ni Cedric habang napapangiwi sa ginagawa sa kaniya ng nobya niya. "Feelingero kasi eh,"  I said and pinch his cheeks. "Thea I need to go. Bye," I waved my hand and walked out. Iniwan sila roon para magka oras para sa isa't isa. "Hay," buntong hininga ko. "Kailan kaya kita makikita prince charming ko?" bulong ko sa hangin. Kakadating ko lang sa bahay as usual ako nanamang mag-isa. Makapag internet na nga lang. Nagbukas na ako ng f*******: ko. I scroll and then I saw a picture of a man na naka pogi sign ang kamay. Kahit parang mayabang siya ay gwapo pa rin ito. Malakas ang appeal at nakakadala talaga. "He's handsome," bulong ko sa aking sarili. Ano kayang pangalan niya? Matignan nga. Papunta na sana ako sa timeline niya ng may nag-doorbell. Pumunta na ako sa gate at nakita ko ang kapatid ni Ivan. The one and only Joy. Ang cute na cute at magandang kapatid niya. Joy Dorschner --- ang bunsong kapatid ni Ivan. "Hi ate Patricia," nakangiting sambit niya at kumaway pa sa akin. Lumapit siya at hinalikan ako sa pisngi. "Oh Joy napadaan ka?" tanong ko sa kaniya at pinapasok ko na siya sa loob. "Upo ka muna," saad ko at iginiya siya sa mga sofa.. "Ate kasi I need your help," naka-pout na sabi niya. Problemadong problemado. Tumingin naman ako sa kaniya ng seryoso. "What can I do for you?" tanong ko. Nagbabakasaling may ma-i-ambag sa kaniyang problema. Parang nahihiya pa siya at hindi masabi-sabi ang nais niyang sabihin. "Ate kasi may gusto ako kay Kyle." Kyle Schnittka--ang aking gwapong kapatid. Chos. Matagal ko naman ng napapansin ang paningin niya sa kapatid ko. Puno ng pagmamahal ang kaniyang mata at sinseridad. "Eh Ate para kasing ayaw niya sa akin," she said and look at the carpeted floor. Looking devastated on what she states. I held her chin at hinarap ang mukha niya sa akin ."I will help you so don't worry," I said and her lips formed a smile. Masaya sa binitawan kong salita. She hug me tightly. "Thank you ate!" she said happily pagkatapos ay nag-paalam na siya. "Ay ate may usapan pa pala kami ng best friend ko," nagpaalam na siya at umalis na ng tuluyan. Ako naman bumalik na sa ginagawa ko. Ang pag huhunting sa oh so gwapo na lalaki. Oh no. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita. Nawala na. Paano ko pa malalaman ang pangalan nya? Wala na. Wala na. "Hmp," nag-log out nalang ako. Wala naman na akong magagawa at hindi na iyon mahahanap pa. Nawalan na ako ng gana. Gabi na at ang mabuti kong asawa ay dumating na rin sa wakas. Pero hindi ko na lang siya pinansin. Walang pakialamanan sabi nya eh. Atsaka may kasama nanaman siya. Psh, As if I care. Really Patch? You don't really care? Dumeretso na ako sa kwarto at kinuha ang phone ko. Nagtext na lang ako kay Kyle. Ako: What's up brother? Kyle: Hey, ate. I'm fine, I'm still breathing. Ako: May nililigawan na ba ang baby ko? Kyle: Don't call me baby ko. I'm not a baby anymore. Binata na ako, Ate. Ako: Okay. Goodnight, Kyle. But you're still my baby. Binalik ko na lang ang phone ko sa side table. Buti walang maingay. Makakatulog na ako ng maayos. Woah. "Hmm baby more..more," I just rolled my eyeballs. Tch. Kasasabi ko lang walang maingay ayan at nag-ingay na sila. Buhay nga naman talaga. Nag-earphone na lang ako at tinodo ang volume. Pagkatapos kong makinig ng music ay tinanggal ko na ang earphone ko. Hay ano kayang pangalan nung nasa f*******:? I want to know him. But how?! Malay ko siya na pala ang hinihintay kong prince charming. Sana makilala ko siya. Baka siya na talaga ang naka tadhana sa akin. --- Kinabukasan. Hmm...Umaga na pala. Pumunta na ako sa kusina at nagluto na. Nakita ko naman si Ivan na pababa na. Ako naman ay umupo na at kumain. Hindi ko na siya hinintay. Makakakain naman siya kahit wala ako eh. Hindi naman ako nagtatampo. Hindi 'no as in never.  Masyado na ba akong defensive? Pagkatapos ko ay tumayo na ako. "Mag-ayos ka," rinig kong saad niya habang kumakain pa rin siya. "Huh?" naguguluhang tanong ko. Hindi makuha ang kaniyang sinabi. "Pupunta tayo kina Mama," sagot niya lang sa akin at patuloy na kumain. Pumunta na ako sa kwarto at naligo. Iniwan ko na siyang mag isa roon. Oo nga pala hindi alam ng mga magulang namin na hindi kami nagmamahalan ni Ivan. Pag-kasi nasa harapan namin sila we're acting like we're both in love into each other. Napaka-sweet namin na parang wala kaming pinapasang problema. Parang talagang nagmamahalan kami. Masusuka ka nalang sa sobrang ka sweet-an namin. Kaya hindi lubos maisip ng mga parents namin na hindi maganda ang pagsasama namin. Na palagi kaming nag-aaway at hindi nagpapansinan. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako. Sinuot ko na ang kulay dilaw na long sleeve at puting short. Ready na ako. Ready na akong umacting. Mapapasabak na naman ang acting skills ko. Buti nalang ay magaling ako pagdating sa pag-aacting. Kasama yata ako sa theater performance namin noo sa school. Kasali rin ako sa acting club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD