Enjoy reading! PAGKADATING namin sa hospital kung saan dinala ang anak nila ay mabilis na lumabas ng kotse si Calvin. Habang ako ay nakasunod lang sakanya. Bigla ako nalungkot sa naisip ko. Siguro kung nagka-anak kami dati ganito rin siya mag-alala sa magiging anak sana namin. Pagkapasok sa loob ay agad siyang nagtanong sa isang nurse. "Excuse me. Anong room si Natalie Razon?" Tanong niya. Agad naman na tiningnan ng nurse ang isang listahan. "Room 201 po, sir." Mabilis na sagot ng nurse. "Thanks." Sagot niya at agad na naglakad papunta sa elevator. Binilisan ko na rin ang aking paglalakad para maabutan siya. Pagkalabas sa elevator ay tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad na para bang hangin lang ako sa kanya na hindi niya alam na kasama niya ako. Nagkamali yata ako ng desisyon na su

