Chapter 13 Ramdam ni Althea ang init mula sa sinag ng araw sa bintana lalona't ang sakit ng kaniyang ulo. "Good morning" napabangon siya nang mukha ni Noah ang nakita niya. Minadali niyang tumayo mula sa kama at hinagkan ang lalaki ng sobrang higpit. "Bakit ka nag lasing anong problema?" Tanong ng lalaki sakaniya habang hawak hawak nito ang buhok ni Althea. "Ayokong pumasok sa trabaho, gusto kong mag kasama lang tayo." Sinabi ng babae at hindi padin kumakawala sa lalaki si Althea. "Maligo kana ang baho mo." Pang asar ng lalaki sakaniya. Sumunod naman ang dalaga sakaniya at nag ayos. Napag desisyonan nilang umalis muna, bitbit niya ang ilang damit. Nag paalam lang sila sa ina nito at tuluyang umalis. Mag kahawak ang kamay nila hanggang sa pag kakaupo sa eroplano papuntang BATANES. "Favo

