I can see Evo and Kylie in school; they are always the talk of the town. All the students really envy Kylie because Evo is incredibly sweet to her. Evo is really gentle with Kylie. After everyone found out that Evo and Kylie are together, no one sees Evo hooking up with other girls anymore. Because of that, all the students believe that Evo is really serious about Kylie.
"Stop staring at them, okay?" pigil ni Allea sa akin.
"I'm not staring at them," tanggi ko sa kanya.
"Yeah, you're right. Hindi ka nga nakatitig sa kanila." Allea just rolled her eyes and then nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.
"Alam mo, kanina ko pa napapansin na sobrang aligaga ka, kanina pa? Sino ba yang ka-text mo at tingin ka ng tingin diyan?" sabi ko sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin na panay sulyap siya sa phone niya.
"Eh wala lang. Wag mo na nga akong pansinin. Sige na, ipagpatuloy mo na yang staring-game mo kay Evo," kita mo tong babae na 'to pag ako sobrang pakialamera kapag sino yung mga tinitignan ko pero kapag siya naman yung sinisita ko walang pakialamanan. Baliw ba 'to?
"Hi Allea?" bati ng isang lalaki na nakaharap sa table namin. He's tall, matipuno ang katawan. Halos magkasing tangkad lang din sila ni Evo. He also has thick brows at mapupungay na mata. He's kinda handsome din. Pero hindi naman ito yung type ni Allea ah. I think he's part of the basketball team kasi naka jersey pa at may dalang bola.
"Hi Abel. Sit down," Aya sa kanya ni Allea para maka-upo. I was shocked ng tawagin ni Allea ang pangalan niya. Pinandilatan ko ng mata si Allea with a what-do-you-mean-by-this look.
"Hi, I guess you're Ms. Lucianna, right?" bati ni Abel sa akin. He offers his hand para makapag shake hands sa kanya.
"Yes, I am," I grab his hand para makapag-shake hands din.
"So how do you know each other?" I curiously ask. I don't have any idea. Marami naman kasi tong kakilala si Allea.
"Well, Abel is the team captain sa basketball team and remember my cousin Mathew? He's also part of the team so siya yung nagpakilala sa akin ni Abel," Allea explains to Abel nodded sa lahat ng mga sinasabi ni Allea.
"I'm sorry pala last night sa chat. I think it's really disrespectful I chatted that way," paumanhin niya sa akin.
"No no, it's all good. I think it's Allea's fault naman," and I blame Allea for that. I see her stare at me. I just smiled at her and dinilaan ko lang na parang bata.
"So what are you guys up to now?" tanong ni Abel sa aming dalawa.
"Wala naman, we're just waiting for our next subject eh," sagot ko sa kanya.
"Anyway guys, I have to go I have something to do pa eh." tumayo siya at nagmamadaling inayos ang gamit niya. Wait! What? Anong something yung gagawin niya?
"Akala ko same time tayo ah?" I asked.
"I have boy business pa eh. Sige gotta go. See you later babe," Alam ko naman na may pinaplano to kaya umalis eh.
Lagot talaga 'to sa akin mamaya. Kami na lang ni Abel yung natira dito sa may table kasi yung ibang studyante umalis na rin. This is so awkward hindi pa naman ako masyadong nagsasalita kapag hindi ko pa masyadong kakilala.
"So what are you up to rin?" tanong ko sa kanya. He chuckled siguro natawa siya kasi nga same lang yung tanong ko sa tinanong niya kanina.
"Ito practice pa rin ng practice," sagot niya lang.
"Paano naman yung academics mo? Na ba-balance niyo pa ba yung pag-aaral niyo at sa pagiging athlete?"
"Nababalance naman. Kami pa ba?" and then I smirked.
"Wow ang yabang mo naman," I jokingly said and he chuckled.
"So what course are you taking in right now?" he asked.
"Business. How about you?" tanong ko pabalik sa kanya.
"Architecture," sagot niya.
"Oh wow that's nice," our topic is just about academics. He shares a lot about how hard his course is and talks about mine.
I enjoy talking with him. Hindi naman siya boring kausap. Nang mapagtanto ko na malapit na yung oras para sa next class ko, nagpaalam na rin ako kay Abel. When I was about to leave the table, nakita ko si Evo and Kylie papalabas na rin sa cafeteria. Dahil malapit lang kami sa pinto ng cafeteria, I decided na umupo na lang pabalik at hintayin na sila muna yung makalabas.
I saw Evo staring at Abel and nung malapit na sila, I noticed na Abel and Evo nod their heads to each other.
"What was that? Do you know Evo?" tanong ko kay Abel.
"Sort of," inkling sakto niya lang.
"How come?" curious na tanong ko sa kanya.
"I basically knew him when he and Samantha started dating," sagot ni Abel.
"What's the connection?" tanong ko ulit.
"You know me and Samantha are cousins right? I just know him nung kumalat yung issue na sinampal niya si Samantha dahil sa girlfriend niya ngayon. Anyways, diba may class ka na? Baka ma-late ka na. Let's talk about that next time?" sabi niya.
"Oh shoot! I almost forgot. See you next time Abel." I saw him chuckled.
Patakbo akong pumunta sa next class ko. Dahil sa pagmamadali, hindi ko na nakita na may nabangga na ako.
"Oh my god, I'm sorry," pagtingin ko, it was Kylie siya yung nabangga ko. She fell into the ground at dahil doon nakuha namin lahat ng atensiyon ng lahat ng studyante sa labas.
"I'm sorry Evo and Kylie. Hindi ko talaga sinasadya. Nagmamadali na talaga ako," paumanhin ko sa kanya. Nakita ko yung mga studyante na halos nakapalibot sa amin. Tutulungan ko sana si Kylie para tumayo ng bigla akong hilahin ni Evo at tinayo niya si Kylie.
"Stop it. Next time be careful," sabi ni Evo sa akin.
"What's wrong with you ba? Sinasadya mo atang itulak ako? Tignan mo madumi na ako? May galit ka ba sa akin? Kainis naman eh," sigaw ni Kylie sa akin. "Baby, look at me? Ang pangit-pangit at ang dumi-dumi ko na. Ikaw kasi, mag-ingat ka," dagdag niya at binaling yung tingin kay Evo.
Hindi ako makasagot sa kanya. I was shocked dahil sa inasta niya sa akin. Hindi ko naman sinasadya.
"Hey, ayusin mo yang pananalita mo ha. Kita mo nga hindi sinasadya ng tao. Sinisigawan mo, kapal ng mukha mo. Ang arte-arte mo," sigaw naman ni Allea kay Kylie.
"Bakit nangingialam ka? Sino ka ba? Siya nga yung may kasalanan eh," sagot naman ni Kylie kay Allea.
"Al, that's enough. It's my fault din naman kasi eh, Hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko," paliwanag ko kay Allea.
"Kaya nga di ba nag-sorry ka na? Dami pang dada eh," galit na sabi ni Allea.
"That's enough Allea," pigil ni Evo sa kanya.
"Isa ka pa eh, alam mo naman na hindi sinasadya tapos tumatahimik ka lang diyan. Hay nako, iba talaga yung pag-ibig, nakakabobo," pagkatapos niyang sabihin yun hinila na niya ako papaalis dun sa crowd.
"Ayos ba ginawa ko?" natatawang tanong niya nang makaalis na kami dun.
"Baliw ka, you're so brave kanina," manghang sabi ko sa kanya.
"Eh kasi naman girl, hindi ka naman sumasagot sobrang bait mo naman. Kita nga hindi mo sinasadya, nagda-drama pa yung babae na yun," pikon na sabi niya. "Tsaka girl, nandoon din si Leo," dagdag pa niya.
"What sinong Leo ba?" tanong ko sa kanya.
"Leo Martinez, my future husband," sabi niya.
"Leo Martinez? Pinsan ni Evo?"
"Yes," she proudly said.
"Ew ang laki naman ng muscle nun," tawang sabi ko sa kanya.
"Pero gwapo naman," I agree naman. Ang gwapo nga si Leo. I know Leo for the reason that he's Evo's cousin. Nakikita ko siya minsan sa gathering ng Suarez family.
"You know what, since hindi naman tayo pumasok sa last class. How about we go to the mall and eat?" aya ko kay Allea. Alam ko naman na papayag siya palagi pag ako yung nag-aaya sa kanya.
"Tara, let's go," sabay namin sabi dalawa at umalis na sa school.