Dahil may sasabihin pa sya kay Audrey agad nyang hinabol ito.Naabutan pa nya ang dalaga sa lobby ng hotel, tatawagin sana nya ito ng may marinig syang may tumawag na lalaki dito. Nakita nyang napangiti ang dalaga sa nakita, tiningnan nya ang lalaki, matangkad ito, makisig at magandang lalaki din , sa tingin nya ay nasa six flat ito. Nagulat sya ng niyakap nito ang dalaga at napansin nyang gumanti rin ng yakap dalaga sa binata. Nakaramdam sya ng kung anong kirot sa puso, at alam nya sa sarili nya ay nagseselos sya. Hindi naman nya magawang pigilan at sawayin ang lalaki dahil wala naman namamagitan sa kanila ni Audrey. Nakita nyang nakaakabay ang lalaki sa dalaga at masayang nag uusap ang dalawa habang papalayo sa lugar na yun. Gwapo yung guy diba? boses ng

